Chapter 54: Sirens

132 7 0
                                    

Season 2

Chapter 54

Sky POV

Madilim na ang paligid, ang buwan sa kalangitan ay pasikat na. At ang mga bituin ay malayang nakalatag. Kahit nasa loob ako ng tent ay damang-dama ko ang lamig ng paligid. Mismong ang malamig na hangin ang hahampas sa iyo. Napagpasyahan kong lumabas ng tent upang kumain, medyo gutom na rin ako.

Isang araw na lamang ang bubunuhin ng aming paglalakbay at makakarating na rin kami sa Silangan. Alam kong maraming panganib ang naghihintay sa amin sa paglalakbay na ito. Ngunit ano man ang mangyari ay nakahanda akong ipagtanggol ang apat na ito.

Paglabas ko ng tent naabutan ko si Zandro na nakaupo sa sleeping bag n'ya. Hindi ko pa rin ito pinapansin, naiinis pa rin ako sa kan'ya.

Naabutan ko sina Pussy at Arios na naghahanda ng pagkain sa mesa. Tinulungan ko naman sila, ako naman ang naglagay ng plato sa lamesa. Nakita ko naman si Altron na may dala-dalang kanin.

Uupo sana si Zandro sa tabi ko, ngunit biglang umupo si Arios kaya naman wala syang nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Pussy. Si Altron naman ngayon ang nasa gitna.

"Bago tayo, kumain ay kailangan muna nating magdasal at magpasalamat sa mga Bathala sa pagkain na nasa harap namin,"wika ni Altron.

"Sige, ako na lang ang maglelead ng prayer,"pagpriprisinta ni Pussy.

Isinahod ni Pussy ang kan'yang kamay at nagsimulang magsalita.

"Holabels mga Bathala sa Caelum, may prayer akiskis, blessamae mo itekwa na foodamstra sa hapagkainanchi. More-more thanks ang pamily sa biyayabels na ginivesung mo sa amin chi at makakalaps na kamembang. I blessemae mo ang foodams na ites na more givesung ng nutrients energy and powerbels para havs kamembang ng mga shopos ang mga shorobaho for todays vidyow" dasal ni Pussy.

Napangiwi naman ako sa aking narinig.

Bakit parang kakaiba yung dasal nila?

"Sige kainan na!"panimula ni Altron at sumadok ng kanin.

Ako naman ay sumandok ng gulay at kanin at inilagay ito sa aking plato. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Zandro. Nangungusap ang mga mata niya na para bang sinasabi sa akin na sorry.

'Gusto mo bang makaganti sa ginawa n'ya kanina?' wika ng isang tinig sa akin. Nabobosesan ko ito, kaya naman napatingin ako kay Arios.

'Wag ka ng tumingin sa gwapo kong mukha, alam kong pogi ako. Makinig ka na lang sa sasabihin ko,'wika nito kaya naman napakunot ang noo ko dito.

'Ano sabihin mo na?'tanong ko.

'Simple lang ngumiti ka lang sa akin na parang kinikilig ka, yun lang,'wika niya.

Napataas naman ang aking kilay at tinignan ito.

Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa kan'yang labi. Hindi ko alam ngunit biglang lumkso ang aking puso sa hindi malamang dahilan. Wala sa sariling napangiti rin ako sa kan'ya.

Ang gwapo niya kapag ngumingiti. Nakaka-attract ang kan'yang ngiti, para bang pakiramdam ko ay napakaswerte ko't nakita ko ang isang kagaya n'yang nakangiti ngayon. Wait ano bang sinasabi ko?

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें