Chapter 59: Daks

161 6 0
                                    

Season 2

Chapter 59

Sky POV

"Mahal na Supreme Mega Cock, ipinatawag n'yo po ako,"bati nito at bahagyang lumuhod.

Naramdaman ko si Zandro sa aking likod. Sandali ko itong nilingon, nakita kong nakahanda ang mga kamao nito sa pag-atake. Ang kan'yang kamao ay balot ng apoy, naglalagablab ito.

"Ang puta, nagtawag ng kakampi nahihinaan yata sa akin!"reklamo nito.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba natamaan ng mga pag-atake n'ya?"tanong ko dito.

"Maayos lamang ako. Ikaw? Wag mong pakagamitin ang Mana mo baka mag-collapse ka mamaya,"nag-aalalang wika nito.

"Tapusin mo ang Renkar, ako na ang bahala sa Ammonn!"utos nito sa lalaking kadadating lang.

"Abat gago pala yan!"gigil na wika nito. At mas lalong sumiklab ang apoy na nasa kamao nito.

"Wag kang mag-aalala kaya ko ito, ikaw na ang bahala d'yan sa kumag na yan!"wika ko at mabilis na gumalaw.

Agad akong nagtatakbo palayo kay Zandro. Narinig ko pa ang sigaw nito.

"Mag-iingat ka Babe, aanakan pa kita mamayang gabi!"sigaw nito dahilan para mamula ang mukha ko sa kahihiyan.

"Siraulo!"balik kong sigaw dito. Talagang naisingit n'ya pa yun eh nasa gitna kami ng digmaan. Abnormal ka talaga Zandro!

Nakita ko na lamang na hinahabol ako ng lalaking kadadating lang. Ang bilis nitong kumilos, para siyang ninja kung tumakbo. Nagkaabot ang aming landas sa bilis nitong tumakbo. Mabilis na gumalaw ang kamay ng lalaki at inambahan ako ng suntok. Agad naman akong nakaiwas kaya ang lupa ang sumalo ng kan'yang atake. Nag-crack ang lupa, nagkasira-sira ang paligid dulot ng malakas na suntok nito. Ramdam ang mahinang pagyanig dulot ng kan'yang atake.

"Hindi na masama,"puri nito sa akin habang nakataas ang kan'yang kilay. Hindi ko ito pinansin bagkus ay mabilis akong tumalon palikod ngunit nawala ito kaya naman naging handa ako.

Bigla na lamang itong lumitaw sa aking harapan at sinuntok ako sa aking mukha. Halos maluha ako sa lakas ng kan'yang suntok. Hindi naman ako nagpatalo, sinipa ko naman ito sa kan'yang kalamnan dahilan para tumalsik siya sa may di kalayuan. Agad ko itong hinabol at sinundan. Sunod-sunod na bolang enerhiya ang aking pinakawalan. Ngunit agad itong naiiwasan ng lalaki at mabilis itong gumanti nagpakawala rin siya ng bolang enerhiya. Nagsalpukan ang aming mga atake nagdulot naman ito ng sunod-sunod na malakas na pagsabog. Ang paligid ay nawasak, ang mga puno't halaman ay naputol o di kaya tumalsik ng malayo.

Sumigalpot ako ng lipad sa kalangitan, habang nasa ganoon akong paglipad ay nakita ko sa di kalayuan ang lalaking iyon na nakatingin sa akin at nakangiti. Ang kan'yang ngiti ay may bahid ng pang-aasar na para bang sinasabi sa akin na lumapit ako doon para lapitan siya at kagatin ang kan'yang pain.

Mula sa aking kamay ay lumabas ang kulay puting enerhiya at pumurma itong mga patalim. Mahigit na sampung patalim ang nagawa ng aking enerhiya, wala itong anyo kundi purong enerhiya lamang. Pinakawalan ko ang mga patalim, kusa nitong hinabol ang lalaki.

Naghabulan ang mga patalim at ang lalaki sa kalangitan. Mula sa kamay nito ay kumawala ang kulay lilang enerhiya at sinagupa ang mga patalim na gawa sa aking enerhiya. Isang malakas na pagsabog ang naganap noong magbanggaan ang aming mga Mana.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن