Chapter 21: Isla

1.2K 60 3
                                    

Season 2

Chapter 21

Sky POV

Mabilis ang ginawang pag-atake ni Papa.

Agad akong umiwas, upang hindi matamaan ng kan'yang parating na suntok. Naging alerto ako sa mga susunod na gagawin ni Papa. Kaagad kong iginala ang aking mata sa kan'yang kamay at paa. Ito lamang ang dapat kong bantayan. Sa oras na gumalaw ang isa dito ay ibig sabihin ay aatake na s'ya.

"Magaling anak, natuto ka na talaga sa mga training natin," puri nito sa akin.

Hindi ko naman ito pinagtuunan ng pansin, bagkus ay hinintay ko ang susunod na galaw ng aking Ama. Kilala ko s'ya, alam kong isang patibong ang pagsasabi n'ya sa akin na magaling ako.

At kapag kinagat ko naman ang kan'yang pain ay sisipain ako nito o di kaya ay aatakihin. Ang end up ay tatalsik ako sa puno o di kaya ay sa lupa. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may dumapo na bubuyog sa aking ilong. Gamit ang isang kamay ay binugaw ko ito. Nawala ang aking atensyon kay Papa at natuon sa pagbubugaw ng bubuyog. Kalaunan ay nawala rin ang bubuyog sa aking harapan.

Apura akong tumingin sa kinatatayuan ni Papa.

"Paktay!"sigaw ko sa aking isip.

Wala na si Papa sa kan'yang kinatatayuan kanina. Napahampas na lamang ako sa aking noo dahil sa aking kapabayaan.

Panggulo naman kasi yung bubuyog na yun!

Ni hindi ko man lang narinig ang ginawa niyang pagtakbo. Napakalinis talaga ng kan'yang mga pagkilos. Mabilis kong inalerto ang aking mga pandama at sinubukan kong pakiramdaman kung nasaan ba siya.

Nakaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam sa aking likuran. Patalon akong pumaling paharap dito, gamit ang dalawang kamay ay sinalo ko ang paa ni Papa. At sinubukang pigilan ang kan'yang pag sipa.

Ngunit bigo ako, hindi ako naging matagumpay sa pagpigil dito. Sa lakas ng pwersang kan'yang pinakawalan ay tumalsik ako sa hindi kalayuan.

Ramdam na ramdam ko ang tigas ng lupa, ngunit hindi na bago sa akin yun. Sa halos tatlong taon naming pagtre-training ni Papa ay sanay na ang aking katawan sa mga bugbog na natatamo ko sa aming training. Hindi na rin ako gaanong nasasaktan sa pagtalsik ko. Parang simpleng bagay na lamang ito ngayon sa akin. Huwag lang akong tatama sa puno o ugat ng puno, dahil legit na masakit ito.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, mabilis akong bumangon mula sa aking pagkakaupo sa lupa.

Oras na siguro para magseryoso sa laban. Pumikit ako at huminga ng malalim, kasabay ng aking paghinga ay ang pagkalma ng aking senses. Sa pagdilat ng aking mata, ay gumuhit ang isang nanunuksong ngiti sa aking labi.

Pasugod akong tumakbo sa posisyon ni Papa. Agad naman itong nagpa-ulan ng suntok, ngunit mabilis ko naman itong naiwasan.

Napadako ang aking mata sa kan'yang kalamnan, mababa ang kan'yang depensa dito. Muling gumuhit sa aking labi ang tusong ngiti, mabilis nabuo sa aking utak ang isang plano.

Patuloy pa rin si Papa sa pagpapaulan ng suntok sa akin, kagaya kanina ay puro iwas lamang ang ginawa ko. Mabilis ko siyang sinipa sa kanyang tiyan, hindi niya inaasahan iyon kaya't natamaan siya ng aking atake. Mabilis na tumalsik si Papa sa may di kalayuan.

Tumawa naman ito ng malakas at pumalakpak.

"Magaling Anak, binabati kita. Halos ilang beses mo na akong na patumba sa pagsasanay natin ngayong linggo."wika nito habang sinusubukang tumayo.

Nag-aalangan pa akong lapitan ito dahil baka isa na naman ito sa mga patibong niya. Mukhang nakuha naman niya kung bakit hindi pa ako nalapit sa kanya, kaya nagsalita ito.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now