Chapter 62 : Master Batore

118 7 0
                                    

Season 3

Chapter 62

Altron's POV

Tahimik akong naglalakad, nagmamasid sa paligid. May ilan na rin akong nailikas na mga Buricats. Lahat sila ay dinala ko sa Morning Wood Forest. Patuloy ako sa pagmamasid sa paligid. Halos ilang mga Buricat na rin ang nalampasan ko na nakikipaglaban para sa kanilang buhay. May ilan akong tinulungan at may ilan rin naman akong hindi na, kasi sa tingin ko naman ay kaya nila.

Pasugod sana ang isang lupon ng Monster Cock sa aking posisyon ngunit agad ko silang binato ng aking asul na alab dahilan para matupok sila ng apoy. Walang nakakatakas sa apoy ko. Maaaring sila ay mga semi-hybrid at pinalakas ng dugo ng Arke ang kanilang katawan, ngunit hindi ibig sabihin non ay hindi na sila matutupok sa apoy ko. Ang aking alab ang pinakamainit na alab na mayroon ang buong Ragona.

Nakarinig ako ng isang panaghoy, kaya naman ginamit ko ang kakayahan naming mga Ragona na makakita ng direkta ang isang nilalang na buhay kahit may nakaharang pang bagay sa aming harapan. Mabilis akong nagtatakbo sa isang guhong bahay. Nakita ko doon ang isang Buricat na sugatan, nadaganan ito ng malaking pader sa likuran. Agad kong iniangat ang malaking pader na nakadagan dito. Hindi ako nahirapan na buhatin ang malaking tipak ng pader. Ibinato ko sa may di kalayuan ang malaking tipak na ito. Agad kong tinulungan ang babaeng walang malay, sinuri ko ito gamit ang aking mga mata. Buhay pa ito, kitang-kita ko ang init katawan nito. Pinulsuhan ko ito upang makumpirma.

"IANUAE, MORNING WOOD!"pagbanggit ko ng enchanta dito. Umilaw ang katawan nito at binalot ng kulay asul na apoy. Maya-maya ay naglaho ang katawan nito.

Ang inusal kong Enchanta ay upang dalhin ang babaeng walang malay sa gubat ng Morning Wood. Doon ay may naghihintay sa kan'ya ang mga manggagamot. Ang mga manggagamot na ito ay mga Buricat na kalahi nila. Kanina ay nakita ko silang nakikipagsapalarang gamutin ang mga kalahi nila sa gitna ng digmaan. Kaya naman nakaramdam ako ng awa at ipinadala silang lahat sa Morning Wood Forest. Doon ay ligtas silang makakapanggamot sa kasamahan nila.

Ibinukas ko ang aking pakpak at sumigalpot ng lipad sa itaas. Sa likod ng makapal na ulap sa may itaas ay ramdam ko ang isang malakas na enerhiya. Nagtatago ito dito, ngunit kahit anong tago nito ay mararamdaman at mararamdaman ko ito. Kaming mga dragon ay may malakas na pakiramdam, naamoy namin ang malalakas na kalaban.

Nag-ipon ako ng Mana sa aking kamay, nakabuo ako ng isang malaking bolang enerhiya. Buong lakas ko itong pinakawalan patungo sa makapal na ulap. Gumuhit sa kalangitan ang isang mahabang energy beam. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Ang liwanag na pinakawalan nito ay talagang bumura sa makakapal na ulap sa kalangitan ng PussyIsWet Kingdom.

Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaking nakalutang sa kalangitan, ang kan'yang katawan ay napapalibutan ng pinaghalong kayumanggi at lilang enerhiya. Malaki ang katawan nito, kapansin-pansin ang malaki at kumikintab na pakpak nito.

"Naramdaman mo pa rin pala ang aking presensya kahit itinago ko na ito sa iyo. Magaling ka bata!"wika nito.

Kitang-kita ko ang mapanuyang ngiti sa labi nito. Mula sa kinatatayuan nito ay nawala ito. Laking gulat ko na lamang nang bigla itong lumabas sa aking harapan. Bigla ako nitong inupakan ng suntok ngunit mabilis ko itong nasangga ng aking kamay.

Napakalas ng kamao niya, bahagya akong nawala sa balanse ngunit agad ko rin naman itong nabawi. Muli siyang nagpakawala ng suntok, sa pagkakataong ito ay pinagapang ko na ang aking Mana sa aking kamay. Gumapang ang kulay asul na alab patungo sa aking buong braso pababa sa aking kamay.

Bahagyang napatigil ang kalaban at para itong isang baliw na namamangha sa akin. Muling sumilay ang isang mapanuksong ngiti sa labi ng kalaban. Hindi ko nakita ang mga mata niya dahil nakatungo ito at madilim ang kan'yang mukha.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now