Chapter 15: Ang Misyon sa Kanluran

1.7K 71 7
                                    

Chapter 15

Third Person POV

"Jairus, bilisan mo ang pag-takbo! Maabutan na nila tayo!"ang sigaw ni Sky sa kaibigan habang habol hininga silang tumatakbo.

Agad niyang sinipa sa mukha ang halimaw dahilan para tumalsik ito sa may puno. Mabilis namang tumakbo sa tabi nito si Jairus na puno ng galos at sugat ang iba't-ibang bahagi ng katawan nito. Puro putik at alikabok din ang kan'yang suot na damit.

"Ang dami nila!"sigaw nito sa kaibigan at muli nitong tinutok ang punyal na kan'yang hawak sa harapan ng kalaban.

"At parang di nauubos,"komento ni Jairus.

Halata sa mukha nito ang pagod sa pag-takbo at pakikipaglaban sa mga halimaw. Mabilis niyang iwinasiwas ang espada niyang hawak sa pasugod na halimaw. Ngunit kagaya kanina ay parang walang epekto sa kanila ang espadang gamit ni Jairus.

Muling sinuntok ni Sky ang lupa dahilan para magtalsikan ang mga halimaw na malapit sa kanilang kinatatayuan.Tumalsik man ang mga ito ngunit hindi malayo, ginamit naman ito ng dalawa para makatakbo at makalayo sa halimaw.

"Jai takbo na! Aalalay ako sa likod mo!" sigaw nito sa kaibigan.

Mabilis niyang iginala ang kan'yang mata sa paligid, medyo nakalayo na sila sa mga Akuma na humahabol sa kanila. Ngunit alam niyang hindi pa rin sila ligtas hangga't hindi sila nakakalabas sa isla ng Luana. Dinig pa rin ng dalawa ang malalakas na huni ng mga ito.

Puno ng takot at pangamba si Sky para sa kan'yang kaibigan.

Paano nga ba sila napunta sa sitwasyon na ito?

***

Nagising si Sky sa isang malakas na katok sa pintuan ng kan'yang silid. Napamulat na lamang ito, at napakusot sa kan'yang mata. Tirik na tirik na ang araw sa labas ng palasyo, ngayon na lamang siya nakabawi ng tulog. Pagod na pagod talaga ang kan'yang katawan sa mga training na ginawa at ipinagawa sa kan'ya ni Dritan. Halos sa loob ng dalawang linggo nilang pagtretraining dalawa ay nabugbog talaga ng husto ang katawan nito.

"Pasok!"sigaw nito, dito ay nagbukas ang pinto at pumasok ang isang dama.

Nag-bigay galang muna ito sa kan'ya bago magsalita.

"Master Sky, ipagpaumanhin n'yo po ang aking pang-aabala sa inyong mahimbing na pagtulog. Ipinapatawag po kayo ng mahal na Hari sa bulwagan ng kaharian," ang derederetsong wika ng dama dito.

"Bakit daw?"nanliit ang mata ng binata. Napaisip siya ano kayang dahilan ng Hari at siya ay ipinatatawag nito.

"Hindi ko po alam Master, sige Master maiwan ko na po kayo,"sagot nito sa kan'ya at nagbow na ulit.

Lumabas na ito ng silid at naiwang nakahiga pa rin sa kama si Sky.

'Ano ba yan? Magpapahinga sana ako ngayong araw.'reklamo nito sa kan'yang isip.

Wala siyang nagawa kundi ang bumangon at mag-inat. Mabilis niyang iniligpit ang kan'yang kama at mabilis pumunta sa banyo. Agad siyang sumadlok ng tubig sa isang kahoy na tabo at mabilis na naghilamos at nagmumog. Nagpunas lamang ito ng kaniyang mukha at mabilis na lumabas ng kan'yang silid.

Nakasanayan na niyang makita ang mga nakahilerang kawal sa pasilyo ng palasyo. Halos ilang minuto rin itong naglakad bago n'ya marating ang bulwagan ng kaharian. Habang siya ay naglalakad, naglalaro sa kan'yang isipan kung ano nga bang dahilan kung bakit siya pinatawag ng Hari. hindi n'ya rin maiwasang kabahan, wala siyang alam sa rason ng Hari maaaring maganda o masama ang dahilan kung bakit siya ipinatawag.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now