Season 2
Chapter 45
Sky POV
Tahimik ang aming ginawang paglalakad.
May mga diwata akong nakikitang palipad-lipad sa paligid. Abala sila sa mga bulaklak, ang ilan ay nakasakay sa likod ng mga usa. Nakakatuwa silang pagmasdan.
Pansin ko rin ang mga naglalakihang kabute at mga bulaklak sa paligid. May mga kakaibang Animus din akong nakitang kahalubilo ng mga taga rito. Kagaya ng kuneho na ang tenga ay gawa sa dahon. May pusa rin akong nakita na may pakpak ng paru-paro. Maraming kakaibang klase ng Animus ang nakakalat sa loob ng Bogambilya.
Ang mga animus na nandito ay associated sa elemento ng kalikasan, kung kaya't ang kanilang hitsura ay kakaiba. Naiintindihan ko naman at hindi ako nandidiri o natatakot sa mga itsura nila.
YOU ARE READING
SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]
FantasyMagic Universe Series # 1 Sky Light Ramos isang tipikal na college student. Ngunit ang kan'yang mata ay may itinatagong sikreto. Sikretong baka hindi maintindihan ng mundo. Isang gabi habang inaabangan nila ang Super Blood Moon ay may isang pangyaya...