Chapter 25: Ang Misteryosong Lalaki

985 58 0
                                    

Season 2

Chapter 25

Sky POV

Iminulat ko ang aking mata, iginala ko ang aking mata sa paligid. Pamilyar ang lugar na ito, tanaw ng aking mata ang mga ibon na payapang lumilipad sa kalangitan.

Muli ko naman itong iginala, kompirmado. Nag-astral projection na naman ako, nandito ako ngayon sa dimensyon ng lalaking may kulay asul na buhok.

Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo. Napangiti ako, kailangan kong maikwento sa kan'ya ang lahat nangyari.

Mabilis akong nagtatakbo sa puno ng akasya, hindi ako nagkamali nandito siya. Tahimik lamang itong nakapikit at para bang hinihintay ang aking pagdating.

"Maligayang pagbabalik sa aking mundo Sky!"bati nito. Umupo naman ako sa tabi nito at nagsimulang magkwento. Mumulat naman ito at nagpakita ng interes sa aking sinasabi.

"Teka hindi pa naman ako patay diba?"tanong ko sa kan'ya.

"Hindi pa, huwag kang mag-alala. Hiniram lang kita saglit upang marinig ang iyong kuwento at upang balaan ka na rin sa nalalapit na digmaan,"

"Digmaan? Hindi bat matagal ng tapos ang digmaan?"

"Nalalapit na ang digmaan, at sigurado akong mas malakas sila ngayon kumpara sa dati. Yan lang muna ang pwede kong sabihin sa ngayon,"wika niya.

"Ha?Bakit?"

"Basta, sa ngayon ay bumalik ka na sa iyong katawan,"sagot niya at kasabay non ang paghigit sa akin ng isang malakas na puwersa.

"Wait lang! Marami pa akong tanong! Sandali!" sigaw ko kasabay non ang aking pagbalikwas sa higaan. Marahan ko namang iginala ang aking mata sa paligid, nasa isang kwarto ako at hindi ito pamilyar sa akin.

Kinapa ko ang aking katawan buo pa ito. Kaya lamang ay puno ito ng bundahe, iginalaw ko naman ang aking tagiliran. Napa-igtad naman ako ng makaramdam ng sakit. Mukhang hindi pa ako ganoon kagaling at medyo masakit din ang pang upo ko. Pati ang aking balakang ay masakit din. Para bang nagamit ng husto ang aking balakang.

Nasa ganoon akong pagmamasid ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Jairus.

"Anong nangyari? Nasaan ako? Yung Reyna? Yung laban namin?"sunod-sunod kong tanong dito.

"Kalma lang. Isa-isa lang ng tanong mahina ang kalaban,"pagsaway nito sa akin.

Lumapit ito at naupo sa aking tabi. Ngayon ay magkatabi na kami.

"Natalo n'yo ni Zandro ang Reyna ng Akuma–"

"Ha? Hindi ba ay pinatakas ko na ka'yo ni Zandro?"sabad na tanong ko sa kan'ya dahilan para maputol ang kan'yang pagsasalaysay.

"May isang lalaking nakamantong tumulong sa amin ni Zandro, hindi namin ito kilala ngunit alam ni Zandro na ito ay isang kapanalig,"saad niya.

"Anong tulong? Paanong tulong? Ikwento mo nga ng maayos nang maintindihan ko."utos ko sa kan'ya.

"Ganito kasi yun–"

Flashback

Hirap na hirap ako sa pag-aakay kay Zandro noong mga oras na iyon. Bagamat medyo nakalayo na kami pero alam kong hindi pa kami ligtas. May ilang halimaw din kaming nakasalubong, ang ilan sa kanila ay naghihingalo na dulot ng mga itim na palaso na nakabaon sa kanilang katawan. At ang ilan naman ay nagliliyab ang katawan dulot ng apoy na nakakalat sa kagubatan.

Hindi ko ito pinansin at mas nag focus ako sa sinabi mo.

Nasa ganoon akong katahimikan ng biglang may bumagsak na isang lalaking naka berdeng manto sa aming harapan. Sinubukan kong kilalanin ang taong nakamanto ngunit ang itaas na bahagi ng kan'yang mukha ay may suot na maskara kaya naman hindi ko ito makita.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu