Chapter 47: Prinsesa Pussy

194 9 3
                                    

Season 2

Chapter 47

Sky POV

Tahimik akong naglakad patungo sa aking silid. Pagbukas ko ng pinto ay bumulaga agad sa akin si Zandro na printeng naka-upo sa aking kama. Muling nanumbalik sa aking isip ang nangyari kanina. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya sa aking inasal.

"Zandro, anong ginagawa mo dito?"tanong ko dito.

Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo ito at niyakap ako. Ramdam kong may problema ito ngunit hindi lamang niya masabi sa akin. Labis na emosyong ang namumutawi sa hangin.

Hinawakan ko ang pisngi nito. "Anong problema, sabihin mo sa akin?"tanong ko. Kahit sa simpleng paghawak ng pisngi nawa ay maiparamdam ko sa kan'ya ang mga emosyon na nasa aking kaibuturan.

Umiling ito at ngumiti. "Wala—walang problema," at muli ako nitong niyakap. Dama ko ang mabilis na tibok ng kan'yang puso. Napakasarap nitong pakinggan para itong musika sa aking pandinig.

"Mahal na mahal kita Sky,"bulong nito. Bumitiw ito sa pagkakayakap sa akin

"Patawad kung inisip mong iniiwasan kita at hindi na kita kailangan sa buhay ko. Patawad kung ito ang iyong naramdaman. Kinailangan ko munang ilayo ang sarili ko para ako ay makapag-isip ng mabuti, ngunit hindi ibig sabihin non ay hindi na kita kailangan."

"Naiintindihan ko, naiintindihan kita Zandro,"sagot ko sa kan'ya.

"Gusto mo bang lumabas tayo para magliwaliw?"tanong niya.

"Sige, bakit hindi? Matagal-tagal na rin nang huli tayong nakalabas,"pagsang-ayon ko sa kan'ya.

Noong isang araw pa akong naiirita sa kan'ya at sa mga inaasal n'ya pero heto ako ngayon nakangiti dahil niyakap n'ya ako. Sabi ko sa sarili ko na magpapa-hard to please muna ako.

Ang rupok ko grabe, nakakahiya!

Lumabas kami sa aking silid at naglakad palabas sa pasilyo. Habang naglalakad ay hindi namin maiwasang hindi mag-usap.

"Naka-recover na ba talaga ang katawan mo?"tanong niya sa akin.

"Oo, pinabilis ng sagradong puno ng Wisteria ang pagpapagaling ng mga pinsala sa katawan ko,"sagot ko.

"Noong mangyari ang pag-atake ni Ceris sa inyo ni Jairus sa kapatagan ng Azura ay nasa Aklirema ako para sa pagpupulong ng mga pinuno. Ako na lamang ang pinadala ni Ama dahil mas kailangan siya ng Azura ng mga oras na iyon.

Nang malaman ko ang nangyari ay nagmadali talaga akong umuwi para tulungan ka, ngunit noong makabalik ako sa Azura ay tapos na ang laban. Nadatnan na lamang kitang walang malay sa kapatagan. The rest is history,"salaysay niya.

"Wait, hindi ba kawal n'yo ang nakatagpo sa akin sa kapatagan?"tanong ko habang nakakunot ang noo. Bigla naman itong napatawa sa aking tanong.

"Sinabi talaga sayo ni Ama iyon? Hindi talaga marunong si Papa na mangbawi ng joke na nasabi na,"ang natatawang sagot niya. Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya.

"So ibig sabihin ay ikaw ang nagdala sa akin sa palasyo?"tanong ko.

"Abay oo naman. Wala sa sistema ko ang pabayaan ang sugar plum baby bear ko,"sagot niya.

"Wala daw sa sistema n'ya kaya pala hindi ako pinapansin,"mahina kong bulong.

"May sinasabi ka honey bunch sugar plum baby bear ko?"tanong niya.

"Ang sabi ko ay pasalamat ka at hindi ko ipinahanap yung sinabing pangalan ng kawal ng iyong Ama, kung nagkataon ay baka siya ang nakakuha ng gantimpalang kiss sa lips,"naiirita kong tugon.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon