Chapter 77: Masakit na Katotohanan

125 6 0
                                    

SEASON 3

CHAPTER 77

Sky POV

Marahan akong bumangon, napahawak ako sa likod ng aking ulo. Masakit ito, napatingin na lamang ako sa aking kamay may dugo ito. Mula sa aking kamay ay lumabas ang mga Aves at mabilis na ginamot ang mga nakuha kong pinsala dulot ng pagsabog.

Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo.

Ang naaalala ko lamang ay tumalsik ako at tumama ang aking ulo sa matigas na bagay dulot ng malakas na pagsabog. Napahawak ako sa aking kasuotan, basa ito. Indikasyon na inanod ako ng tubig patungo sa pangpang. Nagpalinga-linga ako sa paligid.

'Nasaan na ba ako?'

Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Bukana pa lamang ay tanaw ko na agad ang makapal na damo at nagtataasang puno. Hindi ko batid kung nasa guho pa ba ako ng mga Lira o baka naman napadpad na ako sa kabilang kontinente. Wala akong ideya kung ilang araw ba akong nakatulog dulot ng pagkakabagok ng aking ulo.

Sina Matheo at Arios! Sana ay nasa maayos lamang silang kalagayan. Ang natatandaan ko ay tumalsik din ang mga ito dulot ng pagsabog. Wala na akong matandaan pagkatapos. Ang tangi ko lamang alam ay nagising ako dito sa pampang.

"Dritan," bulong ko.

Mula sa harapan ko ay lumitaw ang maraming Aves, kumikinang ang mga ito sa sobrang liwanag. Maririnig ang mahihinang pagaspas ng mga pakpak ng mga Aves. Unti-unting nabuo ang buong katawan ni Dritan. Dati pa rin si Dritan, napakakalmado pa rin ng kan'yang mukha. S'ya yata yung tipo ng taong, tutukan mo man ng espada ay hindi matatakot sayo, titignan ka lang n'ya ng masama at iirapan.

Nag-bow pa ito sa akin bago nagsalita.

"Magandang araw Master!" bati nito sa akin.

"Nasaan ako? Ilang araw ba akong nakatulog?" tanong ko dito.

Nagsimula kaming maglakad dalawa, kasabay ko lamang si Dritan sa aking tabi. Kusang nawawahi ang mga makakapal na damo kapag siya ay naglalakad ng kasabay ko.

Ano pa bang aasahan ko sa kan'ya?

"Nasa lupain ka pa rin ng mga Lira Master. Halos dalawang araw kang walang malay dahil napuruhan ang katawan at ulo mo sa pagsabog. Nabali ang iyong likod at mga tadyang, ang bungo mo ay nabasag, Mabuti na lamang at may kakahayahang kang paghilumin ang sarili mo," ang sagot nito.

"Nahanap na ba nila ang pakay naming?" tanong ko kay Dritan.

Isang simpleng iling lamang ang isinagot nito.

"Teka, nakaligtas ba ang dalawa nina Matheo?" tanong ko.

Pumikit ito ng ilang saglit, at maya-maya ay mumulat na.

"Nararamdaman ko pa ang kanilang mga Mana, buhay silang dalawa. Yun nga lamang ay kayong tatlo ay magkakahiwalay-hiwalay,"tugon nito.

"Maaari na ba akong gumamit ngayon ng Mana?"tanong ko sa kan'ya.

Marahan lamang itong umiling sa akin.

"25% pa lamang ng iyong Mana ang nanunumbalik, aabutin pa ng ilang araw para manumbalik ang buo mong Mana. Sa ngayon ay mag-tiyaga ka na lamang na maglakad,"sagot nito at naglaho na sa aking harapan.

Tahimik kong binaybay ang nagtataasang damo, nais ko sanang lumipad na lamang ngunit ang aking likuran ay hindi pa ganun kagaling. Dama ko pang may ilan pang butong hindi pa tuluyang nabubuo. Napakabagal ng aking paggaling dulot ng matinding pinsala ko noong tumalsik ako dulot ng pagsabog.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now