Chapter 8:Ikalawang Digmaan

1.8K 108 0
                                    

Chapter 8

Third Person POV

Sa pagpapatuloy...

Napangiti si Sky sa kan'yang nakita, masaya siya sa nasaksihan niya. Tahimik lamang ang dalawa. Mula dito ay nagbago ang paligid. Muli silang lumutang at napapasok sa loob ng isang transparent energy cube. Tahimik lamang si Sky at nakamasid sa mga susunod na mangyayari.

"Master, tumalon tayo sa susunod na taon. At dito mo rin masasagot ang lahat ng natitirang katanungan sa iyong isipan,"paliwanag naman ni Dritan dito.

Tahimik lamang siya, ngunit naglalaro pa rin sa kan'yang isipan kung paano at bakit ito itinago sa kan'ya ng kan'yang mga magulang.

Napatingin ito sa paligid. Nandoon pa rin sila sa may kubo nila ngunit nag-iba lamang ng taon. Nag-iba rin ang hitsura ng paligid ng kubo nagkaroon ito ng mga gulay at prutas na tanim.

Ang langit ay balot ng makakapal na ulap, ang araw ay nagtatago sa kalangitan. Tumama ang matatalim na kidlat sa lupa. May ilang puno ang nag-apoy matapos tamaan nito, rinig na rinig din ang malalakas kulog sa buong paligid. Pakiwari ba'y may malakas na unos na tatama sa Thalia.

Kitang kita ni Sky ang isang lalaki na tumatakbo papalapit sa kubo. Humahangos ito at halata sa mukha nito ang pagod at hirap na kan'yang dinanas. Ang mga suot nitong damit ay luray-luray. Dungising dungisin din ito at nakayapak na tumatakbo, ramdam niya ang takot at kaba dito.

Nagsisigaw ang lalaking tumatakbo.

"PANGINOONG SARIEL!! PANGINOONG SARIEL!!"naalimpungatan naman ito ng marinig ang malalakas na sigaw. Sabay silang napabangon ng kan'yang asawa ng marinig ang sigaw mula sa labas ng kanilang kubo. Napatingin sila sa kanilang anak at napangiti, payapang natutulog ang kanilang anak.

Parehas silang lumabas para tignan kung sino ba ang taong sumisigaw. Ngunit bago sila lumabas, nilagyan muna ni Avriel ng maliit na harang ang bata upang hindi makagat ng lamok o madapuan ng anumang nangangagat na insekto.

Pag bukas niya ng pinto nanlaki ang mata ni Sariel sa kan'yang nakita. Marahan niya itong pinagmasdan, tumambad sa kan'ya ang isang taong sira-sira ang damit, may mga pasa rin ito sa kan'yang mukha at may ilang sugat sa kan'yang kamay.

"Damian, anong ginagawa mo dito?! Hindi ba't dapat ay nasa Tartarus ka at pinagsisilbihan ang aking kapatid?"gulat na tanong nito.

Nabigla siya sa biglang pagsulpot ni Damian, ito ang kanilang kanang kamay sa loob ng palasyo.

Hindi pa nakakasagot ang lalaki ay nagsalita na naman si Sariel.

"At bakit gan'yan ang hitsura mo? Para kang pinahirapan ng kapatid ko?"dagdag pa nito.

Nag-simulang tumulo ang luha ni Damian.

"Patay na ang kapatid m,."umiiyak na salaysay nito.

Para namang bombang sumabog sa pandinig ni Sariel ang sinabi ng kanang kamay.

"A-anong sinabi mo?"

"Nakalaya na ang iyong Ama sa selyong ginawa niyo ng Renkar."

"Sinadya ng mga rebeldeng pakawalan ang inyong Ama sa araw na napuruhan ang iyong kapatid sa pakikipaglaban sa mga heneral ng iyong Ama na nakatakas dati,"umiiyak na paliwanag ng kanang kamay nila.

"Noong makalabas sa selyo ang dating Haring Belphegor ay inutusan niya ang kaniyang mga heneral na hulihin ang iyong kapatid. Nahuli nila si Panginoong Ismael dahil lubos itong nanghihina dahil sa napuruhan nga ito sa pakikipaglaban sa mga rebelde at sa iba pang mga heneral na nakatakas dati.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now