Chapter 41: Insensitive

180 14 0
                                    

Season 2

Chapter 41

Sky POV

Maulap ang kalangitan ng Azura, malamig ang simoy ng hangin. Marahil ay may paparating na ulan mamaya. Dumaan ang dalawang araw, hindi ko masyadong nakikita si Zandro sa loob ng kanilang kastilyo. Abala ito sa mga bagay-bagay, hindi ko naman nagawang tanungin ito kung ano ang kan'yang pinagkakaabalahan. Hindi kasi ako nagkakaroon ng tiyempo para magtanong.

Tahimik...

Maya-maya ay may kumatok sa pinto, agad naman akong bumaba sa pagkaka-upo sa bintana para buksan ang pinto. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang isang Dama, nagbigay galang ito pagkatapos ay iniabot sa akin ang isang sulat.

Isang sulat ng pasasalamat mula sa Hari, noong nakaraang araw kasi ay tinulungan ko ang mga ito sa pagpapatibay ng harang. Ang pinakamatibay na harang na ginawa ng Hari ay tumatagal lamang ng apat hanggang anim na araw. Kaya naman ay kinakailangan ng mga bihasang Ammonn na palakasin agad ang harang para hindi ito masira. Kapag kasi nasira ang harang ay nahihirapan silang mag-lagay o magsamo ng panibago. Ngayon ay kitang-kita na ito sa buong bayan. Lalo na pagsapit ng gabi, mas tumitingkad ang kulay nitong kahel kapag nasisikatan ng buwan.

Lumabas ako sa aking silid, patungo ako sa silid ni Jairus. Ngayon ko sasabihin sa kanya ang binabalak kong pagpapadala sa kanya sa Bakzona Island. Sana ay maintindihan niya ang point ko.

Ilang lakad pa at kaharap ko na ang isang pinto, kumatok ako ng tatlong beses.

"Elsa! Do you wanna build a snowman?"pagkanta ko habang nakatok sa pinto.

"Go away Anna!"sagot ni Jairus na halatang inaantok pa. Marahil ay nakahilata pa ito sa kanyang higaan.

"Okay bye,"paggaya ko sa batang bersyon ni Anna sa pelikulang Frozen.

Tumahimik ito. Ngunit kung inaakala n'ya ay titigalan ko sya ay nagkakamali s'ya. Nakakatawa lamang dahil ganitong-ganito ang ginagawa n'ya sa akin dati noong nasa mundo pa kami ng mga tao. Hindi n'ya ako dati tinitigilan hanggang sa hindi pa ako bumabangon.

"Mr. De Luna, buksan mo ang pinto may dala kaming search warrant para sayo!"paggaya ko sa mga pulis sabay kalabog ng malakas sa pinto ng kanyang kwarto. Patuloy kong kinalabog ang pinto nito.

"Arghh putang-ina talaga!"sigaw nito na para bang batang pilit na ginigising ng kanyang nanay para sa pagpasok sa eskwela.

Naiiling akong natawa dito. Same vibes, ganyan na ganyan din naramdaman ko dati sa tuwing gigisingin n'ya ako sa ganyang paraan. Pasalamat nga sya at hindi ko s'ya tinalunan at nagpagulong-gulong sa kan'yang higaan habang siya ay nakahiga pa, bagay na ginagawa n'ya sa akin dati.

Maya-maya ay narinig ko ang mahinang yabag, papalapit ito sa pinto. Bumukas ito at iniluwa si Jairus, nakapantulog pa ito at halatang kagigising pa lang.

"Frenny, anong meron ang aga mo ata?"tanong nito. Nakakunot ang noo ko. "Maaga ka d'yan! Tanghali na no? Alas dose na!"pagsagot ko sa kan'ya at nag-tuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa loob ng kanyang silid. Kung nagtataka kayo kung paano namin nalalaman ang oras sa Thalia ay kagaya lang din sa mundo ng mga tao. Ang kanilang panahon ay nasa Medieval Period. Ibig sabihin ay umuusbong na dito ang kaunting teknolohiya, kaunti pang panahon at magiging kasing-unlad na rin ng Earth ang Thalia.

Umupo ako sa kanyang higaan at nakita kong dinampot nito ang pitsel para magsalin ng tubig sa baso. Agad niya itong nilagok na para bang uhaw na uhaw. Nadako ang mata ko sa sinsing na kan'yang suot. Pansin ko noong mga nakaraang araw ay mas tumitingkad ang kulay nito. Marahil ay sinasanay n'ya itong gamitin, makakatulong ito sa kanya sa hinaharap. Sana ay matuklasan na niya ang tunay na kapangyarihan ng singsing na suot n'ya. Alam kong isa siya sa magiging alas namin laban sa mga heneral ng kadiliman,

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now