Chapter 80:Lunas

144 2 1
                                    

SEASON 3

Chapter 80

Third Person POV

Sa pagpapatuloy...

Napahinga ng malalim si Arios, na ngayon ay nakatitig pa rin sa walang malay na si Sky. Tulog lamang ito at hindi nagising. Kanina ay tinignan ni Matheo kung may pinsala ba si Sky ngunit wala ito kahit isa. Kaya't nagtataka sila dahil tulog pa rin ito. Para bang kagaya ito ng mga nababasa niya sa aklat na prinsesang isinumpa ng mga bruha upang matulog habang buhay at tanging halik lamang ng prinsipe ang makakagisng dito.

"Matheo, anong nangyayari kay Sky? Bakit tila ayaw niyang gumising?"nag-aalalang tanong ng binata sa kaibigan.

Pinapasadahan pa rin ng kulay berdeng liwanag ang katawan ni Sky. Nakapikit lamang si Matheo habang nakataas ang kamay nito.

"Sa nakikita ko sa katawan niya, nakakain s'ya ng isang prutas na kung tawagin ay 'Aslaya'. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng kakaibang lason, kaya nitong bigyan ng isang perpektong ilusyon ang sinumang makakain ng bunga nito. Ang ilusyon na ito ay gawa sa kung ano ang pinakamimithi ng puso. Kaya't para sa iba ay isang magandang panaginip ito kung sila ang nakakain ng Aslaya," ang sagot ni Matheo sa kaibigan.

"Teka, hindi ba't isa s'yang Renkar? Bakit naapektuhan siya ng lason?" tanong ko sa kan'ya.

"Hindi naman isang daang porsyentong Renkar si Sky, kalahating porsyento ng kan'yang dugo ay isang Sins, kaya't wag kang magtaka kung naapektuhan ng mga ganitong klaseng lason si Sky,"ang muling sagot ni Matheo at naupo.

"Kung gayon ay anong dapat nating gawin para malunasan natin siya?" nag-aalalang tanong ni Arios sa kaibigan.

"Ang tanging magagawa natin sa ngayon ay ang maghintay at ang magpahinga. Hindi biro ang inilabas nating Mana kanina, lalo ka na, kayong mga Kyogre pa naman kapag nasa lupa ay mayroon lamang limitadong Mana. Hindi kagaya naming mga Diwata na may kakayahang humiram ng enerhiya galing sa kalikasan, kaya't walang problema kung maubusan man kami ng Mana,"salaysay ng binata.

"Alam ko Matheo, ngunit hindi ko maalis sa aking kalooban ang hindi mag-alala lalo na't---"
"Lalo na't ano? Lalo na't dahil sa may nararamdaman ka kay Sky?"
pagsagot nito sa naputol na sasabihin ng kaibigan.

Bahagyang napatahimik si Arios.

Alam niya sa sarili niya kung ano ang totoo niyang nararamdaman sa binata. At wala siyang magawa tungkol doon, mahal niya si Sky. At dahil sa pagmamahal na yun ay nagawa niyang tanggapin na hindi siya ang gusto nito kundi si Zandro.

Sa kabilang banda ay tahimik lamang si Matheo na pinagmamasadan ang kaibigan, ngayon ay naranasan na rin ni Arios ang magmahal. At alam niyang naguguluhan ang kaibigan sa sitwasyon nito, lalo na't si Sky at Zandro ay magkasintahan na.

Katahimikan ang namayani sa kanilang tatlo.

Ang punong kanilang pinagtataguan ay binalutan ni Matheo ng isang malakas na pananggalang upang makapagpahinga sila ngayong gabi ng matiwasay. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila bukas, lalo't may iba pa silang nilalang na naramdaman sa Guho ng Lira.

Nakaidlip ang dalawa ng hindi nila namamalayan.

...

"Matheo!" pagtawag ng isang boses sa kan'ya.

Luminga-linga ang binata sa paligid. Hinahanap ang pinanggalingan ng tinig.

"Matheo!" muli nitong pagtawag.

Luminga muli si Matheo upang hanapin ang tinig, ngunit hindi talaga niya ito makita. Nakikilala niya ang boses, ngunit hindi niya ito alam kung papaniwalaan niya ito o hindi. Lalo na't ang may ari ng boses na iyon ay iniwanan niyang tulog at nakaselyo sa loob ng Fairy Amber.

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now