Chapter 17: Ares X Veronica

1.3K 57 6
                                    

Chapter 17

Third Person POV

Mabilis n'yang pinalabas ang kaniyang punyal sa kan'yang dalawang kamay. Agad s'yang tumalon sa bubong, at buong bilis na umikot sa ere. Para s'yang isang rpg character sa isang laro ng mga oras na ito. Nawahi ang mga usok sa kalangitan dulot ng kan'yang mabilis na pag-ikot.

Ang mga Akumang sumalubong sa kan'yang pag-ikot ay nahagip ng punyal, ilang mga Akuma naman ang bumulwak at sumirit ang dugo sa kanilang parte ng katawan na natamaan. Ang bayan ng Luana ay nadilig ng dugo ng mga Akuma. Mabilis na nagbagsakan ang mga kalabang nasugatan, ang talim ng punyal ay gawa sa sagradong bato sa Caelum. Ang mga sandatang nagtataglay ng puting enerhiya ay lason sa mga Akuma kaya madali silang bumagsak kapag nasusugatan ng punyal.

Mabilis namang bumaba si Sky sa lupa at nag tatakbo papalapit sa kaibigan. Halos ilang mga kalaban din ang sumubok atakehin s'ya habang siya ay tumatakbo. Mabilis naman n'ya ditong iwinasiwas ang kan'yang dalawang punyal.

Masasabi n'yang nakatulong sa kan'ya ang ginawang pagtre-train sa kan'ya ng kan'yang Ama noong s'ya ay bata pa.

"Jairus, pag-sinabi kong lumabas ka ay tumakbo ko na at pumunta sa kakahuyan sa lugar na sinabi kong magiging tagpuan nating tatlo!" sigaw n'ya sa kaibigan.

Mabilis naman narinig iyon ni Jairus. Tumango s'ya sa kaibigan, kanina pa s'yang kinakabahan. Ngayon lamang s'ya nakaramdam ng ganoong takot, literal na demonyo ang kan'yang kaharap.

Huminga ng malalim si Jairus at pilit na inalis ang kaba sa kan'yang dibdib. Unang pagkakataon n'yang makakita ng ganitong uri ng nilalang. Literal silang nakakatakot, hitsura pa lang ay alam mo na agad na hidni ka nito bubuhayin kapag nahuli ka.

"Jairus, kalma lang wag kang kabahan, hindi ka pababayaan ng kaibigan mo,"pagkukumbinse n'ya sa kan'yang sarili.

Naglalaro rin sa kan'yang isip kung tama ba ang ginawa n'yang plano kanina. Sana ay hindi n'ya maipahamak ang mga kaibigan n'yang sumunod sa kan'yang plano.

Mahina n'yang i-shinake ang kan'yang magkabilang kamay para mabawasan ang kan'yang kabang nararamdaman. Kasunod noon ay ang magkakasunod na inhale exhale na kan'yang pinakawalan.

"TAKBO NA!!"ang sigaw ni Sky sa kaibigan na abala sa pakikipag-laban.

*****

"Ang isla ng Seralya ay napapalibutan ng mga nagtataasang mga puno, maaari natin itong gamitin na mas mabilis na transportasyon sa papuntang bayan. Malaking tulong ang Talaria na dinala mo Zandro sa ating plano. Sa tantya ko ay mga nasa 50-60 ang puno na dadaanan natin bago pa tayo makapasok sa pinaka bayan nila.

Kung ang mga natitirang survivor ng isla ay nagtatago sa templo, ibig sabihin ang mga Akuma ay nakakalat sa paligid. Naghahanap sila ng survivor para makain nila,"panimulang paliwanag ni Jairus.

"Kung ganun ay dito tayo sa timog na parte ng isla papasok para hindi nila tayo mapansin agad,"paliwanag nito at inekesan ang mapa ng isla sa timog na parte nito.

"Sky nagagamit mo na ba yung magic powers mo?"

Nagulat naman si Sky sa tanong ng kaibigan.

Gamit ang isip ay agad n'yang tinanong ang kaniyang Familiar.

'Dritan, anong sasabihin ko?"Hindi n'ya alam kung sasabihin n'ya ba ang totoo sa mga ito.

'Master, sa oras na ito ay kailangan mong sabihin ang totoo sa kanila, pero wag mong babanggitin sa kanila ang tungkol sa ating ginawang pagsasanay. Hindi nila maaaring malaman ang tungkol sa aking existence. Hindi pa ngayon ang tamang panahon,'

SKY [Volume 1:Chronicles of Sin and Sky]Where stories live. Discover now