Chapter 49

23 1 0
                                    

CHAPTER 49





My child










Isang buwan na ang nakalipas ng magising ako sa pagkaka-comatose. Ngayon eto kami nila Bff sa ospital, lumalamon.





Nitong isang buwan na nakalipas ay naalala ko na rin kahit paano kung sino ako, saan ako pinanganak, sino ang mga magulang ko, ano ang trabaho ko at maging sila bff ay naalala ko na din.







Nitong nakalipas na isang buwan ay todo effort talaga silang matulungan ako kaya eto kahit papaano ay nabalik na ang ilan sa memorya ko. Pero nararamdaman kong may hindi pa ako naalala eh.






Basta may kung ano na gumugulo saakin ah ewan.






Nitong nakalipas na buwan rin ay nakakapaglakad na muli ako. Naigagalaw ko na ng maayos yung braso at binti ko.






Gayunpaman ay hindi ko pa rin naalala kung bakit ako humantong sa ganito. Ang sabi lang saakin nila Tamiera ay tumalon daw ako sa building. Ayoko ngang maniwala eh.







Paano ako tatalon sa building eh tacute na tacute ako doon ha. Takot ako sa matataas na lugar tapos tatalon pa ako. Nababaliw na ba ako ha?









"Bff kamusta na yung mga braso mo ha? Hindi na ba namamanhid ulit. Yung kamay mo? Okay na ba talaga yan? Yung mga binti mo?"sunod sunod na tanong ni Thatty




"Pang-ilang tanong mo na yan. Okay na nga yung katawan ko. Nagagalaw ko na ng maayos lahat. Wala na akong nararamdaman na kahit ano. Normal na lahat. Pwede ko na nga ulit ipang-rub tong kamay ko eh."pabirong sambit ko







Dahil doon ay natawa silang dalawa.








"Mukhang magaling ka na nga. Puro kadugyotan na ulit yang nasa utak mo eh."umiiling iling na sambit ni Tamiera





"Pero kahit ganoon ay wag ka na muna masyadong magkikilos ha. Tsaka mag-relax relax ka lang muna. Tandaan mo kalahati pa lang sa memorya mo ang bumabalik."paalala ni Thatty





"Oo na, oo na. Para kang nanay ko kung magsalita eh."umiiling iling na sambit ko







Pero bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi kong yon. Naalala ko bigla sila mama at papa.




Kamusta na kaya sila? Baka nag-aalala na sila dahil ilang buwan na akong di nakakatawag.







Magmula kasi ng maalala ko sila ay sinabihan ko sila Bff na wag muna ipaalam sakanila ang tungkol sa nangyari saakin dahil mag-alalala lang sila.






Dahil doon ay naisip kong hiramin ang cellphone ni Tamiera. Tatawag lang ako para ipaalam na ayos lang ako.







"Bff peram naman ako ng cellphone mo, tatawagan ko lang sila mama."sambit ko





"Tanda mo ba ang number nila? Wala akong number nila dito."sambit niya habang inaabot saakin ang phone niya





"Oo tanda ko naman bff."pagtapos noon ay de-nial ko na ang cellphone number ni mama







Makalipas ang ilang ring ay sinagot naman agad yon ni mama.








"Hello sino to?"tanong ni mama mula sa kabilang linya





Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now