Chapter 34

19 2 0
                                    

CHAPTER 34




Choose me, will you?









Gaya ng napag-usapan namin ni Tamiera ay kakausapin ko ngayon si Hajime kaya ng makarating ako sa apartment ko ay ti-next ko siya na makipagkita saakin dito ngayon din.






Sinabi ko rin sa text na kung hindi siya pupunta ay mapipilitan akong kausapin siya mismo sa opisina niya kaya kung ayaw niyang mangyari yon ay magpunta na lang siya.






Ngayon ay kasalukuyan akong nandito sa may sofa, nakatulala habang inaantay siya.




Ang totoo kasi niyan kahit gusto kong makipag-usap sakanya ay hindi ko pa rin talaga alam ang sasabihin ko.










Hindi ko alam kung magmamakaawa ba ako na piliin niya ako o magagalit ba ako sakanya dahil hindi niya man lang ako inabisuhan o sisihin ko ba siya kasi nang dahil sakanya nagdurusa ako ngayon.






Hindi ko na alam.







Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto. Hindi ko naman kasi ni-lock yon kanina dahil ayoko ng pagbuksan pa siya.





Nang muli niyang isinara ang pinto ay batid kong nakapasok na siya sa loob pero hindi ko pa rin siya nililingon. Natatakot ako...nasasaktan ako...nagagalit ako.








"Aga..."sambit niya ng makaupo siya sa kaharap kong sofa




"Ikakasal ka na pala."walang emosyong sambit ko





"Agapita hayaan mo akong makapagpaliwanag."sambit niya








Dahil doon ay tuluyan ko na siyang tinapunan ng tingin.









"Sige ipaliwanag mo sakin lahat ha. Kasi naguguluhan ako eh, nabigla ako bakit napakabilis. Bakit parang isang araw wala nawalan na lang ako bigla ng parte sa buhay mo...teka may parte nga ba talaga ako sa buhay mo?"mahinang sambit ko







Pagtapos noon ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dulot ng sakit na nararamdaman ko.









"I'm sorry. Alam kong dahil sakin nasasaktan ka ng ganito...hindi na dapat umabot sa ganito patawarin mo ako."nakayukong sambit niya







"Hindi ko kailangan ng sorry mo Hajime, ang gusto ko ipaliwanag mo sakin. Ipaliwanag mo! Hindi yung mukha naman akong tanga dito. Pagtapos ng lahat ako yung naging kawawa. Sana narinig mo yung mga nurse kanina, sana narinig mo kung paano nila ako pagtawanan dahil nagmukha akong tanga!"hagulgol ko








Dahil doon ay nakita kong tumayo siya sa kinauupuan niya. Nang akmang lalapitan niya na ako ay agad ko siyang pinigilan.








"Wag mo akong lalapitan. Diyan ka lang, maupo ka diyan at ipaliwanag mo sakin lahat. Ipaintindi mo hanggang sa malinawan ako Hajime!"sigaw ko







Pagtapos noon ay nakita ko siyang bumuntong ng malalim na hininga pero maya maya lang ay napagdesisyunan niya ng magsalita.









"Ang babaeng nakita mo noon sa apartment ko ay si Zaia. Ex-girlfriend ko siya. Siya ang tanging naging girlfriend ko dahil mga bata pa lang kami ay naramdaman na namin na special kami sa isa't isa. Pero 10 years ago ay nag-break kami dahil pareho naming pinili ang career namin."sambit niya










Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now