Chapter 11

21 1 0
                                    

CHAPTER 11





Argue







Nang tuluyang makalabas si Phanton ay susunod na rin sana akong lumabas pero laking gulat ko ng harangin ako ni Stef. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon.








"Bakit? Akala ko ba pinapatawag ako ni Dr. Guerrero."sambit ko





"Ano ka ba hindi totoong pinapatawag ka ni Dr. Guerrero."kalmadong sambit niya






"Ano? Eh bakit mo sinabing pinapatawag ako ha gaga ka talaga."inis na sambit ko




"Malamang para mailigtas ka sa Phanton na yon, teka wag mong sabihin na gusto mo ring sumama sakanya."mataray na sambit ni Stef







"Oo naman. Magandang pagkakataon na yon, makakapasok na ako sa bahay niya sinira mo pa. Edi sana mamaya may dala na akong ebidensya."inis na sambit ko







"Edi sana bangkay ka na kamo. Buti na lang sinabihan ako ni Major Aguillon kung di ay paniguradong tatanga tangang sumama ka na doon kay Phanton."sambit ni Stef












Napakunot naman ang noo ko dahil doon.








"Paano naman nalaman ni Hajime na niyayaya ako ni Phanton?"kunot noong tanong ko






"Aba hindi ko alam. Nagulat na lang ako nung pinapatawag ako sa nurse station ang sabi hanap daw ako ni Major Aguillon. Tapos ayon sinabihan niya akong pigilan ka sa gagawin mong katangahan."sambit niya habang tinuturo turo pa ako







"Paanong-teka parang may mali."kunot noong sambit ko







Pagtapos noon ay agad akong naghalughog sa mesa ko pero wala akong nakita.




Pagtapos sa mesa ay sa mga upuan naman ako naghalughog at doon nakita ko ang isang maliit na camera na nakadikit sa gilid ng upuan.






"Gago kang Hajime ka."inis na sambit ko habang nakatingin sa camera







"Nasaan si Hajime ngayon?"galit na tanong ko kay Stef









"Sabi niya kanina may meeting daw siya kasama sila General eh kaya nga ako ang pinakiusapan niyang magpunta dito."kinakabahang sambit ni Stef









Dahil doon ay dali dali akong lumabas at mabilis na naglakad papunta sa opisina ni General.



Siraulo talaga yang Hajime na yan, ang kapal ng mukha niyang i-monitor ako ha!






Paano na lang kung nanonood pala ako ng bold sa clinic ko edi nakikita niya rin! Kainis lagot sakin yan.



Pagdating ko doon ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Nang makapasok ako ay tinignan ko agad ng masama si Hajime pero umiwas lang siya ng tingin.







Pagtapos noon ay dumeretso na ako sa harapan ni General para sumaludo.







"Sir."






"Benitez nandito ka na, ipapatawag pa lang sana kita. Magkakaroon tayo ngayon ng meeting patungkol pa din kay Alcasarin."sambit ni General saka ako sinensyasang ibaba na ang kamay ko









Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon