Chapter 32

14 1 0
                                    

CHAPTER 32





How sweet











"Anak sigurado ka bang handa ka na magbalik sa trabaho mo? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Kung ano man yang bagay na bumabagabag sayo nandito lang kami."sambit ni mama







Matapos nila akong makita na umiiyak noong bagong taon ay hindi naman nila ako pinilit na magkwento dahil halata naman nilang ayaw ko talaga magsabi.









"Ayos lang po ako mama, wag na po kayong mag-alala sakin. Kailangan ko na pong umuwi ngayon dahil hanggang ngayong araw lang ang leave ko. Kinabukasan ay magbabalik serbisyo na ulit ako."sambit ko tsaka bahagyang ngumiti






"Agapita alagaan mo ang sarili mo. Wag ka ng tatamad tamad...tsaka kung ano man yang problema mong yan siguradong malalampasan mo rin yan. Wag ka ng iyakin."sambit ni papa habang nakatingin sa ibang direksyon








Bahagya naman akong natawa dahil doon.









"Opo kayo din papa alagaan niyo sarili niyo, alagaan niyo rin po si mama. Sige na po kailangan ko ng umalis. Sasabihan ko na lang po kayo kung kailan ako ulit uuwi dito."sambit ko saka sila niyakap








Matapos noon ay dumeretso na ako sa kotse ko para mag-drive pauwi sa apartment ko.




Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Hajime bukas...hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya yung tungkol sa sinend sakin ni Tamiera.







Paaminin ko ba siya o ano, nakakainis.









࿔ ࿔ ࿔








Kinabukasan gaya ng inaasahan ko ay balik na nga sa dati ang buhay ko. Tulad ng kinasanayan ay ginawa ko na ang morning routine ko.





Pagtapos maligo at makapaghanda ay agad rin akong umalis ng apartment ko.







Maaga pa naman pero ayoko lang na maabutan ako dito ni Hajime kaya mas gusto kong pumasok na lang.








Nang makarating ako sa kampo ay dere deretso lang akong nag-in bago tuluyang pumasok sa clinic. May ilang bumati saakin pero nginitian ko lang sila ng pilit.







Hindi na din ako nag-abalang bumili ng breakfast dahil wala akong gana kumain.








Habang nagsusuot ako ng coat ay may biglang kumatok kaya nilingon ko ang pintuan. Pagbukas noon ay nakita ko si Mr. Antrata, yung pasyente ko.









"Ako ata ang first patient mo ngayon Doc."natatawang sambit niya bago tuluyang pumasok sa clinic





"Yes you are Mr. Antrata. Have a seat first, let me get your patient records."nakangiting sambit ko







Pagtapos noon ay dali dali kong kinalkal ang patient records niya. Nang tuluyan ko ng makuha yon ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan niya.








"Shall we start?"tanong ko





"Yes please."nakangiting sambit niya







Pagtapos noon ay tuluyan na nga naming sinimulan ang therapy niya.








࿔ ࿔ ࿔







Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now