Chapter 5

24 1 0
                                    

CHAPTER 5






In charge









Ngayon ay patungo ako sa opisina ni General Castillo. Nagulat nga ako kanina paggising ko dahil nakatanggap ako ng text galing kay Dr. Guerrero.







Need daw ako makausap ni General Castillo. Bakit kaya ako pinapatawag don?







Wala naman akong nagawang kabalastugan...hindi kaya magpapaconsult si General? Ay nako imposible naman.







Pero posible din yon! Baka mamaya may anxiety siya o ano ah ewan.








Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob. Nang makapasok ako ay nakita ko doon si Hajime at Serith. Pero hindi ko na lang sila pinansin.







Dumeretso na lang ako papasok saka tuluyang sumaludo kay General.








"Benitez."sambit ni General saka ako sinensyasang ibaba na ang kamay ko





Dahil doon ay agad ko ring binaba ang kamay ko.








"Pinatawag niyo daw po ako sabi ni Dr. Guerrero sir?"tanong ko tsaka bahagyang ngumiti






"Tama may gusto lang akong malaman tungkol sa isang pasyente mo."seryosong sambit ni General




"Sino po ang pasyenteng yon sir?"tanong ko








Agad namang sinensyasan ni General si Castañeda kaya agad akong napatingin sakanya.







"Si Phanton Alcasarin ma'am, yung pasyente mong nagpunta kahapon."sambit niya tsaka bahagyang ngumiti





"Anong meron kay Phanton?"tanong ko








"Isa siya sa apat na person of interest ma'am. Isa siya sa mga iniimbistigahan namin dahil may witness na nakapagsabing nakita niya si Alcasarin na nanggaling sa building kung saan namin nakuha ang mga bata. Nakita rin niyang hinubad ni Alcasarin ang isang maskarang may mukha ni Joker sa isang eskinita ng dumating ang team ni sir Aguillon. Bukod pa doon ay pinaniniwalaan din siyang miyembro ng CTG."sambit ni Castañeda









Bigla naman akong napaisip dahil doon.









"Base sa ni-report mo kay Dr. Guerrero ay nabanggit ng dalagitang nakausap mo ang tungkol sa maskarang may mukha ni Joker na yan hindi ba? Maari ngang leader nila ang taong nakasuot ng maskarang may mukha ni Joker dahil halos karamihan ng nahuli namin ay itim na maskara ang suot."sambit ni Hajime







"Naiintindihan ko na sir."tumatangong sabi ko







Ano ba yan naiilang ako tawagin si Hajime na sir, kasi naman close naman kami sa labas ng kampo. Tsaka never ko pa siyang tinawag na sir wew.










"Ngayon Benitez sabihin mo saamin ano ba ang sakit ni Phanton Alcasarin. Ilang buwan na siyang nagpupunta sa station hospital? May mga nasabi ba siya sayong impormasyon na pwedeng makapag-patunay na siya nga ang tao sa likod ng nito?"sunod sunod na tanong ni General








Napalunok naman ako bigla dahil doon. Grabe ha, nakakagulat. Ayaw papigil ni General, agad agad ura-urada ganern.









Croaker In Charge (DWS#2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें