Chapter 17

21 1 0
                                    

CHAPTER 17




Operation








Isang linggo na ang nakalipas matapos noong huli naming meeting. Isang linggo na rin ang nakalipas nong yayain ako ni Hajime mag-dinner.








Hanggang ngayon ay hindi pa nasundan ang dinner na yon at hindi rin kami gaanong nagkikita nitong mga nakaraang araw dahil naging busy siya sa sunod sunod na raid na isinagawa niya.







Dahil ayon nga kay General ay magandang matapos na ang nasa listahan.





Habang sila Castañeda naman ay abalang abala rin sa pag-iimbestiga.








Nakakaawa nga ang dalawang yon eh, imbistiga here and there. Buti hindi ako nag-intel kung hindi araw araw haggard ako.







Ngayon ay papunta na ako sa meeting hall dahil pinatawag kami ni General.





Ang sabi niya ay pag-uusapan na daw ang magiging plano para sa gagawing paghuli kay Phanton.







Kahapon kasi ay nakatanggap ako ng balita kay Hollero na kompleto na daw ang ebidensyang kinakailangan.







Nang tuluyan na akong makarating ay dumeretso na ako sa loob at nakita kong ako na lang ang inaantay kaya dali dali akong sumaludo kay General.









Sinensyasan niya naman akong ibaba yon kaya agad ko ring ibinaba ang kamay ko.







Pagtapos noon ay umupo na ako sa tabi ni Hollero. Gaya pa rin ng dati katapat namin sila Hajime at nasa gitna si General.





Pero may dalawang bagong mukha akong nakita dito.







Sa palagay ko ay mula rin sila sa Infantry division. Kung hindi ako nagkakamali ang lalaking katabi ni Hajime ay si Larona at ang katabi naman ni Larona ay si Montillano.







"Pinatawag ko kayo ngayon dahil pag-uusapan na natin ang magiging plano ukol sa paghuli kay Phanton. Aguillon ipaliwanag mo na sakanila ang planong napag-usapan natin kahapon."sambit ni General






"Sir yes sir."sambit ni Hajime







"Sa darating na sabadong gabi ba isasagawa ang paghuli kay Alcasarin. Gaganapin yon sa mandaluyong na siyang huling lugar sa listahan ng mga ire-raid. Iyon kasi ang tinaguriang main HQ ni Alcasarin. Doon unang dinadala ang mga bata at mga dalagitang nakukuha bago sila tuluyang i-destino at dalhin sa ibang lugar para isabak sa gawaing illegal."sambit ni Hajime







Hindi na kami sumagot bagkus ay inantay na lang namin ang susunod niyang sasabihin.







"Base sa Intel report na natanggap namin mula sa informant nating naroroon ay sa sabado magpupunta doon si Alcasarin para suriin ang mga bagong bata na nakuha nila. Magandang pagkakataon na yon para mahuli siya sa akto, tayo mismo ang magtatanggal ng maskara niya sa araw na yon."pagpapatuloy ni Hajime






Tumango lang kami dahil doon ay muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita.







"Kasabay ng operasyong yon ang gagawing operasyon ni Larona sa factory na pinagga-gawaan ng mga sigarilyong produkto ni Alcasarin sa malabon. Sa kasabay din na araw ng mga operasyon magaganap ang clearing operations sa mga naturang bar. Pangungunahan ang mga operasyon na yon ng team ni Captain Montillano."sambit ni Hajime








Croaker In Charge (DWS#2)Onde histórias criam vida. Descubra agora