Chapter 19

17 1 0
                                    

CHAPTER 19





Where Am I








Bahagya akong naalimpungatan ng maramdaman kong may humahamplos sa pisngi ko. Dahil doon ay bahagya kong minulat ang mga mata ko.






Sa pagmulat kong yon ay nakita ko si Phanton katabi ng kanyang maskara na nakaupo sa tabi ko.




Base sa nasisilip at nararamdaman ko ay kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kamang walang kutson.







Nang tignan ko rin ang kapaligiran ay wala akong tanging ibang nakita kung hindi ang mga luma at sira sirang gamit na sa tingin ko ay kagaya nitong hinihigaan ko ngayon.








Natanaw ko  rin ang ilang nakamaskarang itim na lalaki na kagaya ng mga dumukot saakin.







"Boss ano na pong gagawing susunod na hakbang?"tanong ng isang nakamaskarang itim










"Pupuntahan ko ang mga tropa, sasabihin ko sakanilang tulungan muna akong makaalis ng bansa ng sa gayon ay makapagpalamig-lamig muna ako. Kapag lumamig lamig na ang sitwasyon dito ay muli akong babalik para maipagpatuloy ang negosyo."sambit ni Phanton






Hindi pwede to, binabalak niyang tumakas!







"Tutulungan ba nila kayo boss? Hindi ba nung nakaraan lang ay pinaghihinalaan ka nilang pinatay mo si Uno kaya pinutol nila ang ugnayan nila saatin."







"May iba sa tropang pinangarap din ang kamatayan ni Uno kaya yon ang mga taong lalapitan ko. Siguradong tutulungan nila ako kapag sinabi kong ako nga ang pumatay sa hayop na Uno'ng yon."sambit ni Phanton habang hinahaplos haplos yung pisngi ko






Kung ganon ay tama nga ang hinala ko.








"Eh boss paano yung mga bata at mga dalagitang nandito?"tanong muli noong lalaking nakamaskarang itim





"Patayin niyo. Sa oras na makaalis ako ng bansa gusto kong pasabugin niyo ang lugar na to kasama ng mga batang yan. Kapag napasabog niyo na to ay magtago na muna kayo. Antayin niyo ang pagbabalik ko."sambit ni Phanton





Wala talagang kaluluwa ang taong to.






"Paano naman ang babaeng yan boss?"tanong nung lalaking nakamaskarang itim habang itinuturo ako






"Isasama ko siya sa pagtakas ko."sambit ni Phanton










"Hindi ba kayo mapahamak pag sinama niyo ang babaeng yan? Paano pag nalaman niyang pinadukot mo siya boss, paniguradong ilalaglag ka niyan."sambit noong nakamaskara








Tsaka haler ayoko talagang sumama sakanyang tumakas. Kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya dito. Hindi siya pwedeng makatakas!












"Ako ng bahala sakanya."seryosong sambit ni Phanton






"Sige po boss. Nag-aalala lang ako na baka ikapahamak niyo pa ang pagsama sakanya. Nakatakas nga kayo sa mga militar sa mandaluyong eh magdadala naman kayo ng taong magpapahamak sainyo, mauuwi lang sa wala lahat boss."giit noong nakamaskara








"Sinabi kong ako na ang bahala sakanya kaya kargo ko siya."seryosong sambit ni Phanton







"Kayo pong bahala boss. Bababa lang ako para tignan kung ano ng nangyayari sa mga bata sa baba. Sa lalong madaling panahon ay kailangan niyo ng makaalis dito. Sa ngayon ay hindi pa alam ng militar ang tungkol sa lugar na to pero di magtatagal ay mararating din nila ang pinagtataguan natin."sambit ng nakamaskara








Croaker In Charge (DWS#2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz