Chapter 37

12 1 0
                                    

CHAPTER 37





Moving on









Ngayon ay kasalukuyan na akong papunta sa clinic. Gaya ng dati ay nag time in muna ako bago tuluyang magpunta sa clinic.




Binati ko rin pabalik ang mga bumabati saakin...parang gaya lang ng dati.






Nang makarating ako sa may labas ng clinic ay akmang papasok na ako sa loob ng biglang mapadaan si Stef.









"Hoy Agapita bakit absent ka kahapon ha, sabi ni Sayson may naghahanap daw sayong pasyente kahapon. Yung Antrata ba yon? Yon na ata ang bagong papalit sa presedente ng fans club mo eh."pang-aasar ni Stef







"Good morning ma'am ha."sarcastic na sambit ko bago tuluyang pumasok sa loob








Walang pinagbago tong Stefhany na to. Kupal pa din gaya ng dati.







Pagpasok ko sa loob ay agad kong nilapag ang bag ko sa may table ko saka tuluyang isinuot yong coat ko. Ay shet, bigla kong naalala kailangan ko palang magpa-dry clean ng mga coat ko.







Napakatamad ko talaga wew.











Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas sara ng pintuan ng clinic dahil doon ay napaharap ako. Hindi ba marunong kumatok ang taong to?





Pero nang sandaling makita ko kung sino yon ay natawa na lang ako ng makita si Tamiera na ingat na ingat sa pagpasok.








"Ano nanamang ginagawa mo dito bff ha."natatawang tanong ko







"Eto naman eh, isu-surprise nga kita. Bakit ka biglang humarap. Oh para sayo."kunot noong sambit niya saka iniabot saakin yung isang box ng ferrero







"Aba bff ha, mukhang sumusobra na yong mga kadatungan mo sa baul ah. Nagiging galante ka, may pa-ferrero ka na."biro ko matapos kuhain yong chocolate







"Ngayon lang yan kasi broken ka no. Sige na aalis na ako, kailangan ko pa mag-report kay General Castillo. Biruin mo yon pagkarating na pagkarating ko dito sayo ko dumeretso imbis na kay General. Ganyan kita kamahal."sambit niya saka nag-flying kiss saakin







Pagtapos noon ay naglakad na siya patungo sa direksyon ng pintuan








"I love you na talaga bff, pakasal na tayo ha! Salamat sa chocolate!"sigaw ko bago niya tuluyang maisara ang pintuan ng clinic








Matapos lumabas ni Tamiera ay binuksan ko agad yung box para kumuha ng isang piraso. The best talaga to si Tamiera.






Nang makakuha ako ay sinubo ko na ng buo yung chocolate, hmm ang sarap!







Habang dinadama ko yung chocolate ay laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto.




Dahil doon ay napilitan akong lunukin na yong chocolate na nasa bibig ko. Pero nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong si Mr. Antrata lang pala.







"Nako sorry Doc. Naistorbo ata kita habang nakain."natatawang sambit niya






"Hindi naman haha. Have a seat first. Kukunin ko lang ang patient records mo Mr. Antrata."nakangiting sambit ko tsaka tinago sa may swivel chair ko yong chocolates na binigay ni Tamiera





"Wow may chocolates ka Doc ah. Galing ba yan sa manliligaw mo?"tanong niya






"Nah uh. Binigay yan kanina ng bff ko."sambit ko habang nagkakalkal ng patient records





"Akala ko naman galing sa manliligaw."natatawang sambit niya








Dahil doon ay napailing na lang ako. Nang tuluyan ko ng mahanap ang patient records niya ay agad na akong nagtungo sa direksyon niya.








"Shall we start?"tanong ko






Tumango na lang siya. Dahil doon ay sinimulan na nga namin ang therapy niya.





Magandang start to ng pagmo-move on ko ah.









࿔ ࿔ ࿔







Maghahapon na rin ng maging libre ang oras ko kaya napagpasyahan kong kumain pero susubo pa lang sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ng clinic ko. Wew.






"Come in."sigaw ko







Pagtapos noon ay tuluyan ng bumukas ang pinto at tumambad saakin ang hindi pamilyar na mukha na naka-unipormeng pang sundalo.








Akala ko naman kung sino. Dahil doon ay sinubo ko na ng buo ulit yong isang chocolate na siyang ikinagulat nong lalaki sa pinto.




Siguro ay bago lang siya kaya hindi pamilyar saakin ang mukha niya.








"Ah sorry po ma'am nakain po pala kayo."sambit niya saka tuluyang isinara yung pinto






"Hindi naman, nakain lang talaga ako ng patago. By the way bakit ka nga pala napadpad dito? Bago ka lang no? Hindi pamilyar saakin ang mukha mo eh."sambit ko







"Ah opo. Sa NOLCOM po kasi talaga ako nadestino pero nung napagdesisyunan ng mga magulang ko na dito na manirahan sa Manila ay nagpalipat na ako dito. Kahapon lang po ako nadestino dito ma'am."nakangiting sambut niya






"Ah ganon ba, bakit ka naman napadpad dito?"tanong ko





"Ah pinapatawag po kasi kayo ni sir Montillano. May pagme-meeting'an daw po kayo kasama si Hollero ma'am."sambit niya







"Ah edi taga infantry division ka din, under sa team ni Montillano tama ba?"tanong ko







"Ganon na nga po ma'am. Hindi pa nga po pala ako pormal na nakakapagpakilala sainyo ma'am. Ako po si 1st Lieutenant Gavin Elloso, mula po sa infantry division at kasama sa team ni Captain Montillano ma'am."nakangiting sambit niya






Dahil doon ay tumango na lang ako.







"Tara na."sambit ko saka tuluyang tumayo sa swivel chair ko









Pagtapos noon ay tuluyan na kaming nagtungo sa opisina ni Montillano. Pagkarating namin doon ay napansin kong ako na lang ang inaantay kaya dali dali na akong pumasok sa loob.








"Ma'am."bati ni Hollero






"Montillano pinatawag mo daw ako."sambit ko tsaka umupo sa katabi ni Hollero






"May ilang bagay lang kaming itatanong tungkol doon sa pagdukot na ginawa sayo."sambit ni Montillano






Dahil doon ay tumango na lang ako. Susmaryosep na Montillano na to, akala ko naman kung ano na.

Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now