Chapter 10

20 2 0
                                    

CHAPTER 10





Apology







Ilang araw na rin makalipas ng gawin sakin yon ni Killian. Kakatapos ko lang tignan kanina ang isang walk in na pasyente kaya ang ibig sabihin noon ay wala nanaman akong gagawin.







Ngayon nandito na ulit ako sa sa table ko habang nagbabasa basa.




Nagbabasa basa ako ng article ng ilang cases ng DID. Alam ko kasing may posibilidad na matalo ng ibang katauhan ang katauhan ng nagmamay-ari mismo ng katawan ng taong may sakit na DID.






Pag naging mas malakas ang ibang katauhan gaya na lang ni Killian ay may posibilidad na mabago ang takbo ng mundo.





Magiging si Phanton na ang ligaw na katauhan at si Killian na ang magiging may-ari ng katawan. Yon ay kung magiging mahina si Phanton.




Napatigil naman ako sa pagbabasa ng may marinig na kumatok. Inantay ko lang na magbukas yon.





Nang tuluyang magbukas ay laking gulat ko ng makita ko si Phanton.






Nakakapagtaka, thursday ngayon ah. Dapat bukas pa ang punta niya. Bukod pa doon ay may dala dala siyang isang bouquet ng rosas tsaka isang paperbag.









"Phanton, ngayon ka lang ata napadpad dito ng thursday..."nagtatakang sambit ko





Kasabay noon ang paglapit niya saakin. Nang tuluyan na siyang makalapit ay nilapag niya sa table ko ang bouquet at ang paperbag.








"Para saakin ba ang mga to?"tanong ko









"Gusto ko sana manghingi ng tawad para sa nagawa ni Killian sayo nung nakaraan. Pinapangako kong hindi ko na ulit hahayaang gawin niya yon sayo."nakayukong sambit niya








"Naiintindihan ko naman. Wala kang dapat ipag-alala sa bagay na yon. Nag-abala ka pang magdala ng mga ganito. Kunin mo na to, naiintindihan ko naman ang sitwasyon hindi mo na kailangang mag-abala para sa gantong bagay."nakangiting sambit ko habang inaabot sakanya ang bouquet at paperbag









"Tanggapin mo na ang mga yan doc. Binili ko talaga yan para sayo."nakangiting sambit niya






"Okay salamat para dito. Tayo na simulan na natin ang therapy mo, maupo ka na diyan."sambit ki tsaka kinuha ang records niya







Nang makuha ko yon ay tuluyan na akong umupo sa harapan niya para simulan na ang therapy.











"Noong nakaraan ay natapos tayo sa negosyong tinatanong ko sayo hindi ba?"tanong ko







Napansin ko naman ang malalim na pagbuntong hininga niya. Come on, spit it out Phanton...







"Sigarilyo. Yon ang produkto ng kompanyang minamaniubra ko. Yon ang negosyong naiwan saakin ni Uno."simpleng sabi niya





Bigla naman akong nabuhayan dahil doon. Kung ganon ay sakanya nga nanggagaling mga kaha ng sigarilyo na may nakaipit na droga sa loob.






Pero hindi pa naman sigurado. Kailangan pang mapatunayan at sa tingin ko ay magiging madali na nga lang yon gaya ng sabi ni Castañeda dahil nakumpirma na namin.









Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now