Chapter 35

16 2 0
                                    

CHAPTER 35





Wedding










Ngayon na ang araw ng kasal ni Hajime pero eto pa din ako sa kwarto ko, nagmumukmok. Wala naman na akong magagawa eh. Pinili niya na si Zaia.







Siguro nagkamali lang ako ng taong minahal...pero kahit ganon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan.



Araw araw parang hinihiwa yung puso ko sa sakit tuwing naiisip ko na wala na saakin ang taong pinakamamahal ko.






Ngayon nagmistula akong talunan. Nagmukha akong tanga, kaya hindi ko masisi yong iba kung pagtawanan at pagchismisan nila ako after all totoo naman yung mga sinasabi nila.








Hayop na Zaia yan, hayop na Hajime yan. Magpakasaya sila ngayong kasal nila. Magpakasaya sila hanggang sa malunod sila sa saya.







Napaka-unfair ng mundo. Ano bang nagawa kong mali bakit humantong sa ganito lahat...







Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng apartment ko. Dahil doon ay agad akong napabangon para silipin kung sino ang nangahas na pumasok sa apartment ko.







Nang sandaling makita ko yon ay agad akong napatakbo kay Tamiera para yakapin siya. Nagsimula na ring tumulo muli yong mga luha ko.






Akala ko pa naman ubos na tong mga luha ko, eh halas kada araw buong araw ako naiyak eh.









"Bff..."hagulgol ko





"Shh nandito lang ako bff."pag-alo niya sakin








Maya maya lang ay bigla kong naalala na kasal nga pala ngayon ni Hajime kaya bakit siya nandito.











"Kasal ngayon ng pamangkin mo ah, bakit nandito ka? Hindi ba dapat nandoon ka dahil dalawa kayo ni tita ang kamag-anak na natitira sakanya tapos wala ka pa sa pinakamasayang araw niya sa buhay niya."sambit ko







Pagtapos noon ay pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko bago siya pilit na nginitian.







"Sa tingin mo ba masisikmura kong umattend sa kasal na yon habang ikaw dito ay nagdurusa at iyak ng iyak, syempre hindi no. Kaya pagkarating na pagkarating ko doon kasama si tita nagpaalam agad ako na aalis ako kahit hindi pa nag-uumpisa ang kasal."paliwanag niya







"I love you na bff. Kahit hindi ako pinili ng pamangkin ko at least pinili mo naman ako."sambit ko tsaka siya inakbayan







"Syempre naman."sambit niya saka ginulo yung buhok ko







"Baka magtampo sakin si Hajime niyan, mas mahal mo pa ako kesa sakanya."pabirong sambit ko







"Meron naman siyang Zaia habang ikaw ay iniwan niya sa ere kaya ako muna ang sasama sayo pansamantala. Sasama nga sana sakin dito si Tatina kaso lang hindi siya makaalis dahil sa papa niya."sambit niya







"Aww, tayo na nga lang magpakasal bff. Pero teka invited rin si Thatty?"tanong ko





"Oo nandon rin siya, gusto mo ba papuntahin natin para siya na magkasal satin."sambit niya






Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon