Chapter 8

20 1 0
                                    

CHAPTER 8




You're here









Ngayon ay abala akong nag-aayos ng mga patient records. Ano pa nga ba ang gagawin ko dito. Wala naman akong pasyenteng parating kaya eto ako ngayon nag bi-busy busy'han.







Habang abala akong nag-aayos ay may bigla akong kumatok kaya napatigil ako sa ginagawa ko.






Hindi na ako nag-abalang pagbuksan ang kumakatok na yon, inantay ko na lang na magbukas ang pinto.








Pagbukas noon ay bahagya akong nagulat ng makita ko si Phanton. Pero ilang sandali lang ay tumayo na ako para salubungin siya.







Wednesday nga pala ngayon. Magandang pagkakataon din to para makakalap ako ng impormasyon. Sayang nung nakaraan ay hindi namin nagawang pasukin ang building na pinuntahan niya.






Pero sigurado namang sila Castañeda at Hajime na ang bahala doon. Sit back and relax na lang ako dito.








"You're here."nakangiting sambit ko





"Doktora inaantay mo ba ang pagdating ko?"nakangiting tanong niya saka umupo






"Hindi ko inaasahang ngayon ka pupunta pero maganda na ding dumating ka na para maituloy na natin ang therapy."nakangiting sambit ko









Pagtapos noon ay nagtungo ako sa mesa ko para kunin ang records niya. Nang makuha ko na yon ay umupo ako sa kaharap niya para simulan na ang pagtanong.





Kailangan ngayon ay may makalap ako na impormasyon.











"Natapos tayo noong nakaraan sa pagkekwento mo saakin ng tungkol kay Uno hindi ba?"nakangiting tanong ko






Napansin ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ng nabanggit ko si Uno.







"Pwede bang hindi na lang natin siya pag-usapan doc?"tanong niya







"Hindi maaari yon. Dahil isa siya sa maaring dahilan ng pagkakaroon mo ng DID. So eventually mas mabuting pag-usapan talaga natin siya. Bukod pa roon ay mukhang siya ang matagal mong nakasama kaya dapat lang na mapag-usapan siya."mahinahong sambit ko








Dahil doon ay bahagya siyang tumango.











"Nang tumuntong ako noon sa edad na labing anim ay sinabihan ako ni Uno na kailangan kong maging matigas at matapang dahil lagi niyang sinasabi saakin na ako ang susunod na magmamaniubra ng negosyo niya. Kaya ayaw niyang nagkakamali ako. Nang mamatay siya ay ako nga ang nagpatuloy ng nasimulan niya. Pero doon na rin nagsimula ang pagkakaroon ko ng bangungot."sambit niya








Naalerto naman ako sandaling marinig ko ang negosyong binanggit niya. Edi ang ibig sabihin non ay kay Uno nagmula lahat.







"Kaano ano ka ba ni Uno para ipagkatiwala sayo ang negosyo niya? Natatandaan mo pa ba kung paano ka napunta sa pangangalaga niya? Nabanggit mo saakin nung nakaraan na hindi mo kilala ang mga magulang mo hindi ba?"tanong ko







"Ang sabi niya saakin ay pinambayad daw ako ng mga magulang ko sa utang nila sakanya kaya isang taong gulang pa lang ako ay nasa pangangalaga niya na ako. Ipinamana niya naman yon sakin dahil ako ang pinakamatikas saaming lahat na naroroon..."natatawang sambit niya





Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon