Chapter 2

50 3 0
                                    

CHAPTER 2



Umbrella










Ngayon ay kakapark ko pa lang ng sasakyan ko. Masaya ako ngayon dahil maganda ang gising ko.





At syempre kaya maganda ang gising ko ay nakatulog ako ng maayos kagabi.








Magdamag kasing umuulan, napakalamig hihi.Katunayan nga niyan hanggang ngayon umuulan pa rin, ang sarap humilata maghapon sa bahay hmp.







Nang akmang lalabas na ako ng kotse ko ay bigla kong naalala na wala akong payong.







Ayos, akala ko naman magtutuloy tuloy ang kasiyahan ko hanggang mamaya. Yun pala hanggang dito lang din, wala na akong choice mag-papaulan na ako.






Sa sobrang excitement ko nakalimot ako magdala ng payong hays. Nang makalabas naman ako sa kotse ay naghahanda na akong tumakbo ng biglang may tumawag saakin.






Paglingon ko ay nakita ko si Hajime, yung pamangkin ng bff ko na si Tamiera.










"Oh Major, may kailangan ka ba?"tanong ko tsaka ginamit ang bag ko na pamandong




"Wala naman, nakita ko kasing wala kang payong eh. Sabay ka na sakin."nakangiting sambit niya saka ako pinayungan






Bahagya naman akong nagulat dahil sa sinabi niyang yon pero maya maya lang ay natatawang tinapik ko siya sa braso na ikinagulat niya naman.






"Ikaw ha, natutunan mo na bang maging sweet saakin?"malisyosang sambit ko





"Ano bang sinasabi mo diyan?"naguguluhang tanong niya






"Ano ka ba napanood ko na ang mga gantong pangyayari sa teleserye. Sorry Major pero ayoko maging tita ang bff ko kaya no, no, no."nakangiting sambit ko





Bigla naman siyang humalakhak dahil doon.







"Aha, tumatawa ka! Ibig sabihin totoo nga."sambit ko tsaka siya tinapunan ng malisyosang tingin







"Kung ano ano ng pumapasok sa isip mo Agapita tsk tsk tsk. Nagmamagandang loob lang ako. Pero sige kung ayaw mo magpabasa ka na lang."







Nang akmang ilalayo niya na ang payong saakin ay agad kong hinawakan ang kamay niya ng sa gayon ay hindi niya mahila palayo ang payong.







"Ito naman di mabiro, tara na kailangan ko pang magpunta sa opisina ni Dr. Guerrero."nakangiting sambit ko






"Plano mo bang hawakan yung kamay ko habang naglalakad tayo?"tanong niya







Agad ko namang inalis yung kamay ko dahil doon, pagtapos noon ay nag-umpisa na siyang maglakad kaya naglakad na din ako.







Normal naman na saaming mag-asaran ng ganito dahil matagal tagal na rin naman kaming close.






Habang naglalakad kami ay napansin kong napapatingin saamin ang mga taong nadadaanan namin. Mga malisyosang froglet to.





Pero okay na to kesa naman basang sisiw ako papasok.







"Thank you."sambit ko ng makarating kami sa station hospital






Croaker In Charge (DWS#2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora