Chapter 48

20 0 0
                                    

CHAPTER 48




Who are you?








Bahagya akong naalimpungatan ng makaramdan ako ng kung anong mabigat sa tiyan ko. Dahil doon ay bahagya kong minulat ang mga mata ko.





Pagkadilat ko noon ay tumambad saakin ang isang magandang babae na natutulog at nakapatong ang ulo niya sa may tiyan ko.






Yun pala yung mabigat kanina.







Pero sino naman kaya ang babaeng to? Pagtingin ko naman sa kabilang banda ay muli akong nakakita ng isang magandang babae na natutulog sa sofa. Sino kaya ang mga ito.







Atsaka nasaan ako...nang ilibot ko pa ang paningin ko ay napagtanto kong nasa hospital ako at, at may cast yung kanang braso ko ganon din sa kaliwang binti ko.







Habang ang kanang binti ko naman ay hindi ko maigalaw, namamanhid. Ang kaliwang kamay ko ay nagagalaw ko ng kaunti pero kapag pwinersang maigalaw ng todo ay nakakamatay sa sakit.








Nakaramdam din ako na may nakabalot na kung ano sa ulo ko, bandage ba to? Habang sa leeg ko may nakalagay noong ah basta parang bakal na ewan.







Ano ba talagang nangyari saakin. Tsaka sino bako?






Ilang saglit pa ay naramdaman kong gumalaw yoong babaeng natutulog sa tabi ko. Nang idako ko ang paningin ko sakanya ay nakita kong gising na siya, nag-uunat.








Nang makita niya namang gising na ako ay laking gulat ko ng bigla niyang nilapit saakin ang mukha niya.










"Bff gising ka na!"tili niya




"TATINA GISING NA SI AGAPITA! TUMAWAG KA NG DOCTOR."sigaw niya doon sa isang babaeng natutulog sa sofa







Dahil doon ay agad na napabangon yong natutulog sa sofa. At gaya nitong isang babae sa tabi ko ay laking gulat ko rin ng ilapit niya saakin ang mukha niya.






"Agapita sa wakas gising ka na!"masayang sambit niya




"A-Agapita? Yon na ang pangalan ko?"tanong ko






Dahil doon ay nakita kong unti unting naglaho ang mga ngiti nila sa labi.






"O-oo tama, Agapita nga ang pangalan mo. Hindi mo ba naalala?"tanong nung isang nasa kanan ko




"Hindi...kayo nga hindi ko kilala eh. Sino ba kayo? Mga kaibigan ko ba kayo?"sunod sunod kong tanong




"Yes! Mga kaibigan mo kami. Hindi mo kami naalala? Ako si Thattiana pero ang tawag mo saakin ay Thatty. Siya naman si Tamiera..."sambit noong isa






"Wala talaga akong maalala."naguguluhang sambit ko


Dahil doon ay nagkatinginan lang silang dalawa.



"Teka lang tatawag lang ako ng Doctor at nurse ha."sambit noong Thattiana





Pagtapos noon ay dali dali siyang tumakbo sa labas. Naiwa na lang kami noong isang babae na base sa sinabi saakin noong Thattiana ay Tamiera daw ang pangalan niya.







Bakit ganon wala akong matandaan na kahit ano.





Ano bang nangyari sakin, bakit ba ako nandito sa ospital na to?








Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now