Chapter 33

18 1 0
                                    

CHAPTER 33




Invitation










Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng ingkwentro kong yon kay Zaia.



Hanggang ngayon hindi ko kinakausap si Hajime, kahit anong paglapit na ginagawa niya ay pilit ko siyang nilalayuan.






Maging si Tamiera ay kinukulit ako. Tinatanong niya kung ano ba daw ang balak ko. Hindi ko siya magawang sagutin dahil miski ako ay hindi ko alam.







Dahil doon ay hinikayat ako ni Tamiera na makipagkita kay Zaia para malaman niya na ang namamagitan samin ni Hajime. Pero tumanggi ako, kahit ano naman kasing gawin ko olats ako eh.







Nitong nakalipas na dalawang linggo ay lagi akong wala sa sarili. Hindi ko na alam kung saan na patungo ang direksyon ng buhay ko.







Ngayon ay kasalukuyan na akong papasok sa clinic ko pero habang papasok ako ay napansin ko bigla ang kakaibang atmosphere sa hospital.




Pinagtitinginan ako ng mga nurse. Yung mga tingin nilang yon ay tingin na parang naaawa.







Yung iba naman ay nagbubulungan dahil doon ay lalo akong nagtaka. May dumi ba ako sa mukha? Shit! Baka naman may tagos ako...







Dahil doon ay binilisan ko na lang ang paglakad ko hanggang sa makarating ako sa clinic ko.







Pero pagkapasok ko doon ay laking gulat ko ng makita ko si Zaia.




Bakit nandito ang babaeng to?









"Good morning Doc."pagbati niya sandaling makita ako




"Good morning...ahm bakit ka nandito?"tanong ko habang nilalapag ang bag ko sa table





"Ah may pasyente ka bang darating Doc? Nakakaalaba ba ako sayo?"tanong niya







"Ah hindi naman nagtaka lang ako kung bakit ka nandito ng ganto kaaga."sambit ko tsaka pinilit na ngumiti







"Actually may dalawang dahilan kung bakit ako nagpunta dito. Una ay gusto kong magtanong tungkol sa condition ni tita. Diba last time ay pag-uusapan niyo dapat yon pero ng dahil saakin ay hindi na natuloy..."nakayukong sambit niya








"Tita? Ah si bff ba?"tanong ko





"Si tita Tamiera, bff mo pala siya?"amazed na tanong niya






"Ah oo. Tungkol naman sa condition niya, maayos na yung kalagayan niya. Naka-move on na siya sa pagkamatay ng mag-ama at nagsimula na rin siyang magpatawad. Nakatulong ng makalaki sakanya ang pagiging abala niya sa trabaho. From now on hindi niya na kakailanganin pa na magpunta dito."sambit ko







"Ako na lang ang magsasabi nito kay Haji Doc, siguradong matutuwa siya kapag nalaman niya ang bagay na to. Thank you sa pagpapagaling kay tita."sambit niya






"Wala yon trabaho ko naman to. Atsaka bff ko naman si Tamiera kaya willing talaga ako na matulungan siya. So ano naman yong pangalawang dahilan mo sa pagpunta dito?"tanong ko









Imbis na sagutin ako ay may kinuha lang siyang kung ano sa pag niya. Nang tuluyan niya ng mailabas yon ay napagtanto kong maliit na puting envelope yon.







Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now