Chapter 23

15 2 0
                                    

CHAPTER 23





Yours






Muli ko na sanang iinumin ang panibagong alak sa baso ko ng biglang may humigit noon mula saakin. Pagtingin ko sa kung sinong lapastangan ang gumawa noon ay nakita ko si Hajime.






"Diba sabi ko sayo huwag ka masyadong mag-iinom."kunot noong sambit niya





"Eh ano naman kung mag-inom ako. Huwag mo nga akong pakealaman, hindi naman kita pinapakealaman ah."sambit ko tsaka muling binawi sakanya ang baso ko






Pero inilayo niya yon saakin dahilan para mas lalong magdilim ang paningin ko sakanya. Ayaw niyang mag-inom ako tapos pag siya lalandi sa iba okay lang, hindi pwede yon.






"Ano bang problema mo? Magsaya ka na doon huwag mo na akong pakealaman dito."inis na sambit ko




"Iuuwi na kita mukhang marami ka ng nainom."sambit niya tsaka ako hinawakan  sa braso




"Anong uuwi wala pa nga akong ilang oras dito. Umuwi ka kang gusto mo."sambit ko tsaka buong lakas na binawi ang braso ko






Pero muli niyang hinawakan yon. Sa pagkakataong to ay napa-aray na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.





"Uuwi na tayo, kung ayaw mong buhatin pa kita palabas ay sumama ka na lang ng tahimik saakin."seryosong sambit niya





Dahil doon ay wala akong nagawa kung hindi padabog na tumayo sa kinauupuan ko.






"Captain mauuna na kami. Pasensya ka na sa mga nasaksihan mo."sambit ni Hajime kay Thattiana saka bahagyang ngumiti






"It's okay, hindi naman ito ang first time na nakakita ako ng ganyan. Sige na iuwi mo na yan si Agapita bago pa yan makapagkalat dito. Tsaka mas makabubuti ding makapag-usap kayo ng masinsinan dahil mukhang may mga bagay kayong hindi nalilinaw sa isa't isa Major."sambit ni Thatty at bahagya ring ngumiti






"Sige Captain salamat sa paalala. Mauuna na kami."sambit ni Hajime






Pagtapos noon ay hinila niya na ako palabas sa mansion ni General.




Tahimik lang ako habang patuloy niya akong hinihila hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kotse niya. Nang makarating kami doon ay buong lakas ko muling binawi ang braso ko.







Pagtapos noon ay hindi ko na inantay na pagbuksan niya ako ng pinto dahil padabog na akong pumasok sa may front seat. Maya maya lang ay nakita kong pumasok na din siya sa driver's seat.






Pagtapos noon ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya.



Tahimik lang ako at nakatingin sa may bintana sa kabuuan ng byahe.







࿔ ࿔ ࿔







Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay dali dali akong lumabas sa kotse niya. Pagtapos noon ay dali dali ko ding binuksan ang apartment ko.






Nang mabuksan ko ay binuksan ko na ang mga ilaw bago tuluyang pumasok.






Pagkapasok ko ay akmang isasara ko na ang pinto ng biglang pumasok si Hajime at siya na rin ang nagsarado ng pintuan.








Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now