Chapter 9

25 1 0
                                    

CHAPTER 9





Cooperation








"Hoy ayos ka lang ba talaga? Sa susunod na punta ng Phanton na yan ay kailangan mo na kaming abisuhan mahirap na baka kung ano na gawin niyan sayo sa susunod."seryosong sambit ni Hajime







"Ayoko nga."mapang-asar na sambit ko







"Umayos ka nga Agapita puro ka biro. Mabuti na lang ay naisipan kong dumaan dito kung hindi ay malamig na bangkay ka na siguro."kunot noong sambit niya







"Bakit mo naman naisipang dumaan dito? Namimiss mo na ako agad loves?"natatawang tanong ko








"Huwag mo na nga paasahin yang sarili mo hindi kita nami-miss, dumaan ako dito para tanungin kung pumunta na ba dito ang pasyente mong yon."kalmadong sambit niya tsaka inagaw yong bottled water saakin








Pagtapos noon ay siya naman ang uminom. Wow naman, nang-buraot pa ng tubig dito ha.









Nang akmang magsasalita na sana ako para sabihin sakanya ang nalaman ko kanina ay sakto namang dumating sina Castañeda at Hollero.




Mabuting nandito na rin sila, para isahan na lang ang pagsasabi ko.














"Nakasalubong naming tumatakbo si Phanton palabas, may nangyari ba ma'am. Sir?"tanong ni Castañeda habang palipat lipat ang tingin saamin ni Hajime





"Naabutan ko siyang sinasakal kanina si Agapita dito."sambit ni Hajime






"Ayos lang po ba kayo ma'am? Bakit niya kayo sinakal?"tanong ni Hollero









"Si Killian ang sumakal saakin at hindi si Phanton. Isa si Killian sa mga katauhan ni Phanton at siya rin ang nagtataglay ng kasamaan."sambit ko






"Oh bakit ka niya sinakal?"tanong ni Hajime







"Teka nga atat to. Mag-antay ka sasabihin ko muna sainyo yung mga natuklasan ko kanina bago niya ako sakalin. Mabuti na lang at kompleto na kayo dito."sambit ko






"Sige po ma'am, ano po bang mga nalaman niyo kanina?"tanong ni Hollero









"Kanina kasi ay pinatuloy ko na sakanya ang naudlot niyang kwento nung nakaraan. Yun ay yung tungkol kay Uno. Napag-alaman ko kanina na napunta siya sa pangangalaga ni Uno dahil anito'y pinambayad siya ng tunay niyang mga magulang sa utang nila kay Uno."sambit ko







Nanatili lang tahimik at taimtim na nakikinig kaya pinagpatuloy ko na ang pagkwento.







"At ang sabi niya pa ay sa dinami dami raw nilang naroon ay siya ang napili ni Uno na magtutuloy ng negosyo niya at magiging bagong tagamaniubra nito dahil sa pagiging matipuno niya at di naman mapagkakailang may itsura siya."pagpapatuloy ko








"May iba ka pa bang nalaman tungkol sa Uno na yon ma'am? May naalala kasi akong case na nahawakan ko. Uno ang palayaw ng taong hinahanap namin na yon at pinaniniwalaan na malaking papel ang ginagampanan niya sa NPA."sambit ni Castañeda







"Meron naman at sa tingin ko ay maganda nga na imbistigahan niyo siya kahit na patay na siya. Batay sa sinabi ni Phanton ay bakla si Uno. Akala ko nga nung una ay babae siya sabi kasi ni Phanton ay nagustuhan siya nito dahil sa itsura niya. Yon din ang dahilan kung bakit niya pinamana kay Phanton ang negosyo niya. Pero ang kapalit noon ay ang pagbibigay niya ng sexual pleasure sakanya..."sambit ko





Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now