Chapter 28

13 2 0
                                    

CHAPTER 28





LQ









Gabi na din ng makarating ako dito sa bahay nila Hajime. Tatlong araw na makalipas noong umalis siya at noong mismong araw na rin na yon ay nag-file na ako ng leave na siyang naaprubahan naman agad.







Nitong mga nakalipas na tatlong araw ay wala akong ibang naiisip kung hindi si Hajime lang. Kung kumain na ba siya, kung nakakatulog ba siya ng maayos mga ganon.







Nitong nakaraang tatlong araw ay naging abala rin kasi ako kaya hindi ko siya masyadong nakakausap sa tawag.



Ang sabi kasi saakin ni Dr. Guerrero maiging tapusin ko na agad ang mga yon ng sa gayon ay makaalis na rin ako agad.









"Loves."nakangiting salubong ni Hajime







Matapos noon ay agad siyang lumapit saakin para yakapin ako. Niyakap ko na rin naman siya pabalik dahil hindi ko talaga maipagkakailang namiss ko talaga siya.







"EHEM!"









Bigla naman akong napahiwalay sa yakap naming dalawa ng marinig ang pamilyar na boses na yon.



Dahil sa excitement ng makita ko siya ay agad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Tamiera.







Nang tuluyan na akong makalapit sakanya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at ganon rin ang ginawa niya.








"BFF NAMISS KITA!"tili ko






"Ako ba talaga ang namiss mo o yung pamangkin ko? Eh parang naistorbo ko pa nga kayo sa pagyayakapan niyo eh."pabirong sambit niya








Dahil doon ay agad akong humiwalay sakanya para nakanguso siyang harapin.









"Syempre namiss kita no! Ilang buwan tayong di nagkita no eh yung pamangkin mo halos kasama ko araw araw."nakangusong sambit ko





"Ah araw araw kayo magkasama...kayo na?"malisyosang tanong niya









Bigla naman akong natigilan dahil doon. Ngayon ko lang narealize kung ano yung sinabi ko.




Hindi ko pa nga pala nasasabi at naeexplain kay bff kung anong namamagitan saaming dalawa ni Hajime.









"Mira, Haji at-oh hija narito ka na ulit. Magsipasok na kayo malamok riyan sa labas. Tayo na dito sa loob, dito niyo na ituloy ang usapan niyo sa loob. Nag-aantay na ang hapunan."sigaw ni tita mula sa may pintuan








Dahil doon ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Yes! Nakaligtas ako kay bff hihi.







"Opo papasok na po kami!"tugon ni Hajime










Pagtapos noon ay natatawang tinignan kami ni Hajime bago tuluyang pumasok dala dala ang bag ko. Si Tamiera naman ay napakibit balikt na lang habang malisyosang nakatingin pa rin saakin.








Pero ilang sandali lang ay hinila niya na ako papasok sa bahay nila.








Pagkapasok namin ay dumeretso na kami papunta sa may kusina. Pagkarating namin doon ay naabutan na namin doon si tita at Hajime na nakaupo.









Croaker In Charge (DWS#2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora