Chapter 42

13 1 0
                                    

CHAPTER 42




Morning sickness










Dalawang buwan na rin ang nakalipas matapos ng binyagang yon ng anak ni Montillano. Sa loob nitong dalawang buwan na lumipas ay lagi akong balisa at nababahala.






Delayed na kasi ako ng dalawang buwan. Tsaka yung lintek na morning sickness umaatake na sakin.



Pero hindi ko pa kumpirmado kung buntis nga ako. Hindi pa ako nagp-PT or nagpapacheck up sa OB.







Pero posible ring mabuntis na talaga ako dahil noong mga nakaraang buwan ay hindi na ako nakakapag-take ng pills.







Hindi ko pa pinapaalam ang bagay na to kay Hajime dahil natatakot ako... natatakot ako na oras na makumpirma nga na buntis na ako eh bibilangin ko na yung mga araw na natitira saamin.







Ang kaso lang kaninang umaga bago kami umalis sa bahay ay bigla akong nasuka nang maamoy ko yung nabubulok na mangga sa ref. Bwisit iniisip ko pa lang parang nasusuka nanaman ako eh.






Siguro ay maghihinala na yon si Hajime pero nagdahilan na lang ako sakanya kanina. Sinabi ko na lang na may di ako magandang nakain kagabi. Pero kinakabahan pa rin ako.







Ngayon ay halos kararating ko lang sa clinic. Gaya ng dati ay inilapag ko na ang bag ko sa table at nagsuot na ng coat.






Maya maya lang ay may narinig akong kumatok kaya agad akong napatingin doon.








"Come in."sigaw ko






Pagbukas noon ay tumambad saakin si Tamiera. Dahil doon ay lumapad ang ngiti ko sa mga labi.








"Kamusta na bff?"tanong niya





"Yie! Bff namiss kita."sambit ko tsaka dali daling tumakbo patungo sa direksyon niya para yakapin siya








Niyakap niya naman agad ako pabalik. Pero maya maya lang ay naamoy ko ang perfume niya sa may leeg kaya bigla akong napahiwalay sa yakap namin tsaka dali daling tumakbo patungo sa banyo.







Nag makarating ako doon ay agad akong dumuwal sa inidoro.









"Bff ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ni Tamiera




"Ayos lang bff. Ang baho naman ng pabango mo."sambit ko tsaka kinuha yong inaabot niyang tissue






"Ang tagal tagal ko ng gamit to ngayon ka lang nabahuan, nagpapatawa ka ba ha."taas kilay niyang sambit








Pero maya maya lang ay bigla siyang natigilan.









"Teka, delayed ka na ba?"mahinang tanong niya








Dahil doon ay hindi ako naka-imik. Shit malalaman ni bff...kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na to ay siguradong ipapaalam niya to kay Hajime.









"Hoy sumagot ka, nag-PT ka na ba?"tanong niya muli






Dahil doon napabuntong ako ng malalim na hininga bago siya tuluyang sagutin.








Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now