Chapter 25

17 2 0
                                    

CHAPTER 25






Meet my girl







Mag-iilang buwan na rin makalipas noong gabing yon. Magmula rin noong gabing yon ay hindi na ko na muling nakita si Castañeda na dumidikit dikit kay Hajime.






Marami rami na din kasi ang nakakapansin ng pagsasama namin ni Hajime kaya siguro minabuti niyang hindi na makigulo pa. Mabuti naman HAHAHAHA.






Makakahanap din siya ng para sakanya kasi si Hajime nakatadhana talaga saakin okids.









November 1 ngayon, araw ng mga patay kaya niyaya ko si Hajime kanina na pag-uwi namin ay puntahan namin ang mga magulang niya.






Pumayag naman siya doon kaya ngayon ay inaantay ko na siya dito sa may parking.









Namatay kasi ang mga magulang niya noong tatlong taon pa lamang siya dahil sa isang ambush kasama ang lolo at lola niya na siyang mga magulang ni Tamiera.






Nang matanaw ko na siya sa di kalayuan ay awtomatikong nagliwanag ang paningin ko kahit gabi na. Katunayan nga niyan umuulan pa ngayon eh, pero makita ko lang siya kompleto na ang araw ko.








"Patay na patay ka talaga sakin loves eh no."umiiling iling na sambit niya ng makalapit siya saakin






Kasabay noon ay ang paghalik niya sa labi ko.








"Ang kapal talaga ng mukha mo no."natatawang sambit ko ng mailayo niya ang mukha niya






"Kunwari ka pa eh lagi mo nga akong nami-miss."sambit ni Hajime saka inilapit muli ang mukha niya saakin






"Sino kaya satin ang nakakamiss sa kanino ha."giit ko








Eh siya nga tong pa palagi eh. Lagi niya akong hinahanap na para bang nawawala ako tapos ang kapal ng mukhang baliktarin lahat aba?!








"Ikaw."simpleng sambit niya







"Ewan ko sayo, tara na nga baka hinahantay na tayo doon ng mga magulang mo."sambit ko tsaka naunang tiniklop ang payong ko bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse niya






Pagtapos noon ay dali dali na rin siyang pumasok. Nang makapasok na siya ay agad niya yong pinaharurot patungo sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang niya.







࿔ ࿔ ࿔







Ngayon ay naglalakad na kami papasok sa sementeryo kung saan nakalibing ang magulang ni Hajime.




Bagaman gabi na at umuulan ay marami pa ring tao ang naririto, natural naman yon dahil araw ng mga patay ngayon.







Dala dala ko ang mga kandilang binili namin at si Hajime naman ay bitbit ang isang malaking plastic na naglalaman ng mga bulaklak na ilalagay namin sa puntod nila.






Binili namin yon kanina habang patungo kami dito.







Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa marating na namin ang puntod ng mga magulang niya. Agad kong iniabot sakanya ang mga kandila matapos niyang mailagay ang mga bulaklak.







Croaker In Charge (DWS#2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang