Chapter 6

20 1 0
                                    

CHAPTER 6





Something








Ngayon ay patungo na kami sa clinic. Nauuna pa rin akong maglakad dahil ayoko namang naging third wheel nila nila like hello? Sa ganda kong to third wheel. No way.








Nang makarating ako sa nurse station ay huminto muna ako sandali para hanapin si Stef. Tatanungin ko siya kung nagagawi nga ba si Phanton sa pediatrics.







Naramdaman ko rin ang paghinto ni Hajime at Castañeda. Kanina pa sila hindi nag-iimikan, naa-awkward'an ba silang kasama ako?









"Doc, hanap niyo po ba si Stef? Ay nandiyan po pala kayo sir, ma'am."sambit niya ng mapansin sila Hajime








"Oo nasaan siya ngayon?"tanong ko






"Nasa pediatrics po."sambit ni Sayson








"Pakitawagan naman siya, sabihin mo magpunta sa clinic. Sabihin mo may kailangan lang kami itanong sakanya ha, salamat!"sambit ko tsaka nag-flying kiss kay Sayson









Pagtapos noon ay naglakad na muli ako, ganon din ang ginawa nila Hajime. Seriously? Mukha silang mga aso ko HAHAHAHAHA.






Pagtapos noon ay nakarating na rin kami sa clinic. Nauna na akong pumasok syempre alangang ako pa mag-sarado ng pintuan.




Nang makapasok ako ay agad kong kinalkal ang patient records ni Phanton.









"Sino yung Stef Agapita?"tanong ni Hajime ng tuluyan silang makapasok






"Nurse yon sa pediatrics, pwede nating kumpirmahin sakanya kung nagpupunta nga doon si Phanton. Tsaka pwede niyo rin i-check sa CCTV kapag natanong na natin siya."simpleng sambit ko habang naghahalughog







Habang naghahalughog ako ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto marahil ay si Stef na ang pumasok na yon.








"Aga-Doc! Pinatawag niyo daw ako?"gulat na sambit ni Stef ng makita sila Hajime








Tatawagin niya nanaman siguro akong Agapita kung di niya lang nakita sila Hajime hahahaha. Ayan napalala mong babae ka.









"Oo may gusto lang kami itanong sayo."sambit ko habang nagpipigil ng tawa hehe




"Ano po yon?"magalang na tanong niya








Sinensyasan ko naman agad sila Hajime at Castañeda. Dahil doon ay napatingin din sakanila si Stef.









"Kilala mo naman siguro yung pasyente ni Doc na si Phanton Alcasarin hindi ba?"tanong ni Castañeda





"Oo. Katunayan nga niyan si Phanton ang presidente ng fans club ni Doc eh."nakangiting sambit niya







Buset na Stefhany to! Nakita ko namang bahagyang natawa si Hajime habang mapang-asar akong tinitignan. Tignan mo to!







"Ah...ikaw Doc ha. Pero bago malayo ang usapan natin, gusto sana naming itanong kung madalas mong makita si Phanton sa pediatrics. Nurse ka sa pediatrics hindi ba? Pwede mo bang sabihin samin kung nagagawi ba roon si Phanton?"ani ni Hajime






Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now