Chapter 44

15 1 0
                                    

CHAPTER 44




Hello baby goodbye










Ngayon ay kasalukuyan akong nasa apartment ko kasama si Hajime. Nanonood lang kami ng TV. Hindi siya pumasok ngayon para samahan ako dito.






Nag-aalala kasi siya saakin. Kabuwanan ko na kasi ngayon kaya anytime pwede na akong manganak. Medyo natatakot nga ako eh, alam ko kasi napakasakit mag-labor.





Tapos natatakot din ako kasi baka may masamang mangyari saamin ng baby ko sa deliberation ko.



Ewan basta nakakakaba, tapos nago-overthink pa ako.











Paano ba nanganak dati si Bff, dapat pala tinanong ko siya. Para medyo napaghandaan ko hindi gaya ngayon kabado ako kada araw kasi baka biglang umattitude yung anak ko sa tiyan ko.







Mamaya bigla na lang siyang lumabas like 'Hey lalabas na ako, padaanin niyo ako.' ganon! Kaya kinakau-kausap ko tong anak ko eh.






Sinasabihan kong wag naman akong pahirapan sa paglabas niya.








"Loves wait naiihi ako."sambit ko dahil parang puputok na ang pantog ko





"Sige samahan na kita."sambit niya saka ako inalalayan tumayo








Nang makatayo ako ay dahan dahan na kaming naglakad patungo sa banyo. Pero habang patungo kami doon ay may naramdaman akong kakaiba sa panubigan ko kaya napatigil ako.






Dahil doon ay nag-aalalang tinignan ako ni Hajime.








"Loves bakit?"nag-alalang tanong niya





"L-loves! Pumutok na yung panubigan ko!"tarantang sambit ko





"Manganganak ka na."sambit niya






"Oo!"tarantang sambit ko






"Tara na isasakay na kita sa kotse."sambit niya








Pagtapos noon ay inalalayan niya na akong maglakad palabas hanggangs a makarating kami sa kotse.



Nang makarating kami doon ay maingay niya akong pinasok sa back seat.






Nang tuluyan na akong makapasok ay muli siyang pumasok sa loob ng apartment ko. Lintek na to ano pa bang gagawin nito sa loob huhuhu.







"Anak, chill ka lang diyan ha. Maglaro laro ka muna diyan ha."sambit ko habang hinahaplos yung tiyan ko






Maya maya lang ay natanaw ko na si Hajime na nilock yung pinto. Dala dala niya yung bag na naglalaman na ilang piraso ng damit na binili namin para sa anak namin.






Matapos mailock ang pinto ay dali dali siyang pumasok sa driver's seat tsaka nilagay sa may front seat yong bag.




Nang masiguro niyang ayos na ang lahat ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.










"Hajime dalian mo huhu, baka maexcite tong anak natin lumabas."natatarantang sambit ko




"Oo sige sige. Relax ka lang diyan."natatarantang sambit niya rin








Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now