Chapter 39

17 1 0
                                    

CHAPTER 39





You and I







Dalawang araw na rin ang nakalipas magmula ng magpunta si Zaia sa apartment ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na balita sakanya.






Siguro ay hindi pumayag si Hajime sa gusto niyang mangyari. Pero kahit ganon  ay umaasa ako na sana pumayag siya.







Ngayon ay kasalukuyan akong narito sa clinic ko. Hindi ko namalayan ang oras at ngayon ay maghahapon na pala. Sunod sunod kasi ang naging pasyente ko kanina eh.






Ngayon ay patuloy lang ako sa pag-aayos ng patient records pero napatigil ako ng sandaling may padabog na pumasok sa clinic. Pagtingin ko ay si Tamiera.








"Bff-"






"Bakit ka pumayag sa gustong mangyari ng babaeng yon Agapita!"inis na sambit niya







Bigla naman akong natigilan dahil doon. Alam niya na...malamang sa malamang ay alam na rin ni Hajime ang tungkol sa sa bagay na yon dahil hindi naman malalaman yon ni Tamiera kung di sasabihin ni Hajime eh.









"Bff..."nakayukong sambit ko







"Ano?! Nawala ka na ba talaga sa katinuan ha? Alam mo ba yong gusto niyang mangyari don ha? Gusto niyang maging kabit ka ni Hajime at buntisin ka para kapag nabuntis ka ay magkaanak na si Hajime. Tapos siya na ang magpapalaki doon sa bata. Hindi mo ba naisip na ikaw ang talo dito."galit na sambit niya







"Syempre alam ko yon bff! Pero kahit ngayon lang ang gusto kong magpaka-selfish. Gusto kong unahin muna yung ikasasaya ko. Alam kong unfair to para kila mama at papa dahil pinalaki nila ako ng maayos tapos ganito. Alam ko ring unfair to sa magiging anak ko pero ngayon lang bff...ngayon lang gusto ko munang unahin ang kaligayahan ko...mahal ko si Hajime bff."sambit ko







Pagtapos noon ay sunod sunod ng tumulo yung mga luha ko sa mga mata ko. Dahil doon ay biglang lumambot ang expression ng mukha ni Tamiera.







Makalipas ang ilang saglit ay nakita ko siyang bumuntong ng malalim na hininga saka ako tuluyang nilapitan para yakapin ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik.







"May katangahan ka talaga minsan sa buhay eh no. Siya sige na, mukhang buo naman na yang desisyon mo. Susuportahan na lang kita. Tandaan mo lagi lang kaming nandito ni Tatina para sayo."sambit niya habang hinahaplos ang likuran ko







Dahil doon ay medyo kumalma na ako.








"Salamat bff."sambit ko tsaka ipinunas ang luha ko sa suot niya





Dahil doon ay agad siyang humiwalay saakin HAHAHAHAHA.






"Dugyot ka Agapita magre-report pa ako kay General!"sambit niya saka ako tinignan ng masama






"I love you bff."malambing na sambit ko








"Oo na pasalamat ka mahal kita. Pero tignan ko lang kung malambing mo ng ganyan si Hajime. Galit na galit siya ng malaman niyang pumayag ka. Nakita ko yon sa mga mata niya habang nagkekwento siya kanina."seryosong sambit ni bff






Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon