Prologue

107 4 2
                                    

PROLOGUE








Nagising ako ng biglang may tumapon ng malamig na tubig sa mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ko ay tumambad saakin ang pasyente kong si Phanton.






May hawak hawak siyang screwdriver at ngayon ay inaalis ako sa pagkakagapos.







Nang tuluyan niya akong maialis sa pagkakagapos ay mabilis niya akong hinila patayo mula sa pagkakaupo.









"Saan mo ako dadalhin?"tarantang tanong ko habang pinipilit kumawala sa pagkakahawa niya







Baliw na talaga ang isang to! Nasaan na kaya sila Hajime? Kapag hindi pa sila dumating ay siguradong paglalamayan na ako.







"Sa impyerno."nakangising sabi niya tsaka ako patuloy na hinila








"P-phanton tigilin mo na to. Magtiwala ka saakin, ako ang psychiatrist mo. Itigil mo na to, hindi ka nila sasaktan."pamimilit ko sakanya





"Ayaw mo ba akong makasama sa impyerno?"nakangiting tanong niya









"G-gusto kong makasama ka pero hindi sa ganitong paraan. Hayaan mo akong tulungan ka, gagaling ka Phanton. Pag nangyari yon ay di ka na muling gagambalahin pa ni Killian at Cholo. Hindi pa huli ang lahat para gumaling ka. Kaya sumuko ka na."giit ko







"Manahimik ka hindi ako susuko! Tigilan mo na ang pambibilog sa ulo ko alam kong ayaw mo lang akong makasama! Alam ko rin na may pagtingin ka sa sundalong yon! Tama si Killian! Dapat hindi na kita ginusto!"sigaw niya saka ako tinutukan ng screwdriver sa leeg







Ngayon ay narating na namin ang rooftop nitong lumang building. Ang building na to ay pag-aari niya.







Isa ito sa mga lugar na pinagdadalhan niya ng mga batang kinukuha niya para gawin silang instrumento sa pagbebenta ng droga.






Gayon din ang mga babaeng kinukuha niya na ginagamit niya sa prostitusyon para mapagkakitaan.







"H-hindi nagkakamali ka, katrabaho at kababata ko lang si Hajime."giit ko






Pero dahil doon ay mas lalo niya lang diniin ang screwdriver sa leeg ko.







"Akala mo ba maloloko mo pa ako? Matino pa ang pag-iisip ko. Hindi ako baliw! Alam kong una pa lang ay nakikipagtulungan ka na sundalong yon para mahuli ako!"sigaw niya tsaka mas lalong diniin ang screwdriver








"P-phanton huminahon ka, hindi totoo ang lahat ng yan."pagtanggi ko








"Manahimik ka!"sigaw niya tsaka ako hinila papunta malapit sa dulo ng building habang nakadiin pa din sa leeg ko ang screwdriver







"Bitawan mo siya!"






Agad namang humarap si Phanton sa pinagmulan ng sigaw na yon. Maging ako ay marahas niyang iniharap sa direksyong yon.







Agad naman akong napangiti sandaling nakita ko si Hajime, sa wakas.






Kasunod niya ang ilang miyembro ng team niya. Habang si Phanton naman ay humalakhak.






"Aguillon, Aguillon, Aguillon...Doc Bleu ayan na pala ang knight in shining armor mo."mahinang sambit ni Phanton sa gitna ng kanyang mga halakhak






Pero alam kong hindi sa Phanton ang katauhan na yon, alam kong si Killian yon...







"Tigilan mo na ang kabaliwan mo! Bitawan mo si Benitez, sumuko ka na lang ng maayos."sigaw ni Hajime





"Sige sabi mo eh."nakangising sabi ni Phanton





Pagtapos noon ay binitawan niya nga ako pero laking gulat ko ng itulak niya ako sa dulo ng building.





"AHHHH!"sigaw ko ng malaglag ako sa building




Pero laking pasasalamat ko na lang ng makahawak ako sa isang bukas na bintana ng gusali dito sa ika-walong palapag.




May sampung palapag ang gusaling ito at paniguradong pag nalaglag ako sa baba ay paglalamayan na ako kinabukasan.





Nang tumingin naman ako sa baba ay biglang nanginig ang mga tuhod ko. Napakataas...




Habang nakahawak ako sa bintana ay nakarinig ako ng putok ng baril mula sa itaas. Siguro ay pinaputukan na ni Hajime ang baliw na Phanton na yon.






"Agapita!"agad naman akong napatingala ng marinig ko ang boses na yon



"Hajime tulungan mo ako!"nakatingalang sigaw ko





"Kumapit ka lang diyan! Kukuha muna ako ng lubid."sambit niya bago tuluyang umalis






Tumango na lang ako. Pero sana naman bilisan niya, pakiramdam ko kasi ay bibigay na ang mga braso ko.





Nangangawit na ako parang gusto ko ng sumuko.





Pero ilang saglit lang ay may lubid ng bumaba. Dahil doon ay nakangiting kinuha ko yon.



Nang sandaling makahawak na ako ng maigi sa lubid ay naramdaman ko ang paghila nila mula sa itaas.





Nang tuluyan na nila akong maiangat ay nanghihinang umupo ako sa rooftop.






Susmaryosep, muntikan na akong mamatay kanina lang hoo! Mabuti malakas lakas pa rin ang kapit ko kay Lord. Salamat po.




Pagkaupo ko ay hindi ko na nakita si Phanton dito, marahil ay dinala na siya sa baba.








"Ayos ka lang ba?"tanong ni Hajime



"Ayos lang."nanghihinang sambit ko





"May sugat ka sa braso, kaya mo bang maglakad?"nag-aalalang tanong niya





"Okay lang ako baliw."sambit ko tsaka pinilit ang sarili ko na tumayo







Pero ng makatayo ako ay nanginginig pa din ang tuhod ko. Nakita yon ni Hajime kaya dali dali niya akong binuhat ng pa-bridal style.





"H-hoy ano bang ginagawa mo!"gulat na sambit ko





"Hindi mo pa kaya maglakad. Pero sa susunod nga mag-bawas ka naman ng timbang Captain Agapita Benitez."mapang-asar na sambit niya





Dahil doon ay agad ko siyang binatukan. Demonyo talaga to kahit na kailan. Pero pagtapos noon ay hindi na rin ako sumagot.





Buti naman nakaligtas pa ako ang buong akala ko talaga ay paglalamayan na ako.





Sana matapos na dito ang lahat. Psychiatrist lang naman akong naglalayong makapag-pagamot ng karamdaman ng iba.





Bakit ako umabot sa life and death situation na to susmaryosep.






At tama isa nga akong psychiatrist I'm Captain Agapita Benitez, four years in service...






And I am the croaker in charge for this mission.

Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now