Chapter 4

25 2 0
                                    

CHAPTER 4





Lunatic patient







Ngayon ay matiwasay akong nagbabasa basa dito sa table ko. Pinag-aaralan kong mabuti ang records ni Phanton.





Siya yung pasyente kong may Dissociative Identity Disorder or DID. Three months na rin siyang nagpupunta dito.






Nung una ay hindi ko pa alam na may DID siya pero nakumpirma ko yon ng magpakita mismo saakin ang pangalawang katauhan niya tatlong linggo na ang nakakalipas.







So far hindi pa nagpapakita saakin ang pangatlong katauhan niya pero inamin niya saakin na meron nga. At yon ay si Cholo.








Alam kong pupunta siya ngayong araw na to, inaasahan ko na yon. Magsasagawa kami ng talk therapy para unti unti siyang gumaling. It will take time pero gusto kong matulungan siya.








Maya maya lang ay may kumatok dahil doon ay tinigil ko ang pagbabasa ko at inantay ang pagbukas ng pinto.






Pagbukas noon ay tumambad saakin ang pasyente kong si Phanton.









"I-ikaw ba s-shi doktora B-bleu?"tanong niya ng makapasok siya






Agad namang napakunot ang noo ko dahil doon. Hindi siya si Phanton...hindi rin siya si Killian ang ibig sabihin lang ay siya na si Cholo.






Ang pangatlong katauhan ni Phanton.








"Tama ako nga, tuloy ka."sambit ko saka tumayo para salubungin siya







"T-tama ba ang s-shinabi sa-saamin ni Killian? B-balak mo daw kaming sa-saktan at pa-paalisin dito..."nakangusong sambit niya ng tuluyan siyang makapasok sa clinic ko






"Hindi totoo yan, nandito lang ako para tulungan at samahan kayo."nakangiting sambit ko ng makaupo siya






"S-shige.."








Sambit niya pagtapos noon ay napansin kong napahawak siya sa ulo niya at mukhang namimilipit siya sa sakit, dahil doon ay agad ko siyang nilapitan para tignan ang kalagayan niya.






Pero bago pa man ako makalapit ay mukhang umayos na ang kalagayan niya.




Gayunpaman ay itinuloy ko pa rin ang paglapit sakanya.










"Phanton?"tanong ko






"D-doc! K-kanina pa ba ako dito? Wala akong maalala..."naguguluhang sambit niya habang minamasahe ang sintido niya








Tama ako, si Phanton na nga ang kaharap ko ngayon.









"Halos kararating mo lang dito pero ang katauhang nagpakita saakin kanina ay ang ikatlo mong katauhan na si Cholo. Gaya ng sinabi mo saakin nung nakaraan ay isip bata nga ang katauhan mong yon."mahinahong sambit ko







"Bago ako pumunta dito ay nagtalo kami ni Killian...ayaw niya ng magpunta ako dito dahil ayaw niyang gumaling ako. Ayaw niya akong lubayan..."balisang sambit niya








Pagtapos noon ay hinigit niya ang mga kamay ko na sobrang ikinagulat ko.











"D-doc tulungan mo ako! Hindi nila ako titigilan...hindi nanaman ako makatulog sa gabi. Doc, may tiwala ako sayo...pagalingin mo ako!"natatarantang sambit niya kasabay noon ay ang pagdiin ng hawak niya sa mga kamay ko









Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now