Chapter 3

34 0 0
                                    

CHAPTER 3




Info







Panghuling araw na rin ng pagtingin ko sa mga bata at panghuling bata na rin ang kinakausap ko ngayon.





Gaya ng inaasahan ko haggard to the max ako nitong mga nagdaang araw.








"Laila? Natatandaan mo pa ba kung kailan ka dinala sa lugar na yon?"mahinahong tanong ko sa dalagitang nasa harap ko





Isa siya sa mga babaeng menor de edad na ginamit para sa prostitusyon.







"Hatinggabi nong tumakas ako sa bahay doc...makikipagkita sana ako sa lalaking nakilala ko sa facebook ang usapan namin ay magkikita kami sa may park ng hatinggabi. Pero pagdating ko doon ay wala siya, ang nakita ko lang doon ay ang mga lalaking nakamaskara ng itim."nakatulalang sambit niya







Bigla namang napakunot ang noo ko dahil doon. Halos lahat sa mga batang nakausap ko ay binabanggit ang nakamaskarang mga lalaki na yon.








"Pagtapos noon ano ang nangyari? Dinala ka ba nila sa kung saan?"tanong ko







"Nang makita ko sila ay uuwi na sana ako pero laking gulat ko pagtalikod ko ng may biglang nagtakip ng panyo sa bibig ko pagtapos noon ay nawalan ako ng malay."








"Paggising mo anong unang nakita mo?"tanong ko







"Paggising ko ay nasa isang selda kami, sampung babae kaming naroon. Tinanong ko sila kung nasaan kami pero wala rin silang ideya. Sa pagtanong ko na yon ay nalaman ko na gaya ko ay dapat may katagpuan rin sila sa kaparehong lugar at oras na binigay saakin. Naiba lang ang araw."sambit niya kasabay noon ay ang unti unting pagguhit ng galit sa mga mata niya








Bigla naman akong napaisip dahil doon. Halos lahat ng nakausap ko sakanila ay pare pareho lang ang sinasabi.






Kung ganon ay ginagamit nga nilang paraan ang Facebook ng sa gayon makuha ang mga dalagitang ito...







Ibang iba yon sa paraan ng pagkuha nila sa mga bata. Base kasi sa binahagi ng batang may edad siyam pababa saakin ay nalaman kong magkakaiba ang paraan ng pagkuha sakanila.







Ang iba ay kinukuha ng puting van habang naglalakad mag-isa ang bata, ang iba naman ay nilalapitan ng lalaking nagpapakilala na kamag-anak at ang iba ay ineengganyo ang bata sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagustuahn nito.







"Pagtapos, may inutos ba sainyong gawin?"tanong ko






"Sinabi saamin nung lalaking nakamaskara ng mukha ni Joker ay kung hindi daw kami susunod sa sasabihin niya ay papatayin niya daw kami. Katunayan a-ay meron na siyang mga pinatay na nagtangkang tumakas..."nakatulalang sabi niya na pero may bahid ng takot sa mga mata niya







"Pagkatapos noon?"tanong ko









"Pagtapos ay isa isa na kaming inilabas sa selda. Kasunod noon ay dinala ako sa iisang kwarto kung saan puti lahat ang makikita. May lalaki ng nag-aantay roon saakin at-at..."







Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad siyang napaluha. Agad naman akong lumapit sakanya dahil doon.






Alam ko na ang kasunod na sasabihin niya, may maire-report na ako bukas kay Dr. Guerrero.







࿔ ࿔ ࿔






Kinabukasan ay agad akong nagtungo sa opisina ni Dr. Guerrero. Nang makarating ako doon ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok.







Nang makapasok ako ay namataan ko doon si Dr. Guerrero na kunot noong nagbabasa ng kung ano sa mesa niya.







Pero agad naman siyang napatingin saakin ng mapansin ang presensya ko.









"Benitez, siguro ay may maibabalita ka na saakin. Take your seat."aniya ni Dr. Guerrero saka bahagyang ngumiti






"Yes sir."sambit ko tsaka tuluyang umupo






"Kamusta, ano na ang mga nakalap mo?"








"Base po sa mga impormasyon na ibinigay ng mga batang nakausap ko na may edad siyam pababa ay iba't ibang paraan ang ginamit para makuha sila. Una na doon ay ang pagkuha sa mga bata gamit ang puting van, meron ding nilalapitan ng isang kalalakihan na nagpapakilala bilang kamag-anak at ang huli ay ang pangeenganyo sa mga bata sa pagbili ng mga kagustuhan nila."








"Ang mga kababaihang naroon?"tanong ni Dr. Guerrero








"Base naman po sa ibinahagi ng sampung kababaihan na yon sir ay napag-alaman ko na nakukuha sila gamit ang Facebook. May lalaking magpapakilala sakanila at yayayain silang makipagmeet up ng hatinggabi. Pag nakarating na sila sa lugar na napag-usapan ay wala doon ang lalaking nakilala nila sa Facebook bagkus ay mga nakamaskarang lalaki ang naroon."









"Nakamaskarang lalaki?"tanong ni Dr. Guerrero





"Tama po yon sir, nakamaskara ang mga lalaking nangunguha sakanila. Base sa sinabi nang isang dalagitang nagbahagi saakin ay may lalaking nakamaskara doon na may mukha ni Joker. Siya ang naiisip kong pinuno nila dahil siya lang ang naiiba ng maskara. Ang karamihan kasi ay itim na maskara ang suot. Base yon sa mga ibinahagi nila sir."








"Nakapagsabi ba sila ng tungkol sa mga bagay na pinapagawa sakanila? Gayon din ang mga pananakot at iba pang bagay na maaaring makadagdag sa impormasyon na meron tayo ngayon."tanong ni Dr. Guerrero








"Opo. Base po sa mga nasabi saakin ng mga batang may edad siyam pababa ay inuutusan silang ibigay ang kaha ng sigarilyo ng sa gayon ay pakainin sila. Kapag naman nagkamali sila sa mga inutos sakanila ay sinasaktan sila at tinatakot na papatayin."sambit ko







"Paano naman sa mga kababaihan?"






"Ang mga kababaihan naman po ay ginagamit nila sa prostitusyon at halos ganon rin po, kapag hindi sila sumunod sa gustong ipagawa sakanila at pag pumalpak sila ay tatakutin silang papatayin."sambit ko










"Naiintindihan ko na. Magaling ang ginawa mo Benitez, sige na makakabalik ka na sa trabaho. Maya maya lang ay pupuntahan ko na ang opisina ni General para ibalita ang mga nalaman mo."nakangiting sambit ni Dr. Guerrero








"Sir yes sir."nakangiting sambit ko rin saka tuluyang lumabas ng opisina ni Dr. Guerrero






Sa wakas tapos na rin ang haggard days ko, pwede na ulit ako maging maganda sa mga susunod na araw.

Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now