Chapter 24

12 2 0
                                    

CHAPTER 24





My feelings for you








Nagising ako ng tamaan ng sikat ng araw ang mga mata ko. Ngayon ay kasalukuyang tulog pa din si Hajime.




Dahil doon ay dahan dahan kong inialis ang braso niyang nakadantay sa bewang ko ng sa gayon ay makabangon na ako.




Pero laking gulat ko ng akmang tanggalin ko yon ay mas lalo niya lang akong inilapit sakanya. Gising na din pala siya.







"Wala ka bang balak bumangon? May pasok pa tayong dalawa."nakangiting sambit ko







"Wag na tayong pumasok ngayong araw loves. Manatili na lang tayong ganito buong araw."mahinang sambit niya habang nakapikit pa din





"Ano ka ba naman may pasyente akong parating ngayong araw.."sambit ko saka mahinang kinurot ang ilong niya





"Hay oo na, oo na. Pero kiss muna."nakangising sambit niya saka tuluyang dumilat







"Ayoko nga, hindi pa ako nagto-toothbrush no."tanggi ko




"Who cares."sambit niya saka ako marahang hinalikan sa labi







Marahan ko ding sinabayan yon pero maya maya lang ay agad ko na siyang tinulak palayo.





Baka mamaya hindi na kami makapasok nito eh, pag lumalim pa yong halik na yon hindi ko nanaman mapipigil ang sarili ko.








"Major papasok pa tayo ha kaya kung ano man yang nasa isip mo tigilan mo na muna yan."natatawang sambit ko tsaka tuluyang bumangon habang balot pa rin ng kumot ang katawan ko





"Ayaw mo kasing pumayag na dito na lang tayo maghapon eh. Sige na maligo ka na, magtimtimpla lang ako ng kape."sambit niya









Pagtapos noon ay tuluyan na rin siyang bumangon. Nang tuluyan na siyang makabangon ay sinuot niya yong bathrobe na naroon sa gilid ng upuan. Habang ang tuwalya namang naroroon ay iniabot niya din saakin.







Nakangiting kinuha ko naman yon mula sakanya tsaka tuluyang binalot ng tuwalyang yon ang katawan ko.





Pagtapos noon ay nakangiting dumeretso na ako sa banyo para makaligo na.








࿔ ࿔ ࿔







Nang matapos akong maligo ay hindi ko na naabutan si Hajime sa kwarto, siguro ay nagkakape na yon sa may kusina.






Mas maigi na ring nandoon siya ng sa gayon ay makapagbihis ako ng payapa.






Nang matapos ako magbihis ng mga kasuotang sinusuot ko pagpasok ay agad akong lumabas para puntahan si Hajime sa kusina.






Pagkarating ko doon ay tahimik lang siyang nagkakape pero ng sandaling makita niya ako ay agad niya akong nginitian. Nginitian ko lang din siya pabalik saka tuluyang umupo sa harapan niya.









"Gusto mo mag-kape?"alok niya






"Hindi na muna. Bili na lang tayo sa drive thru ng makakain para sa breakfast. Tamad kasi akong magluto eh kaya wala kang makikitang ibang naka-stock sa ref kung hindi tubig."natatawang sambit ko








Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now