Chapter 27

18 2 0
                                    

CHAPTER 27






Very cold







Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sa leeg ko. Nang tuluyan ko ng imulat ang mata ko ay nakita ko sa gilid si Hajime na siyang humahalik saakin.





Napatigil siya sa ginagawa niyang yon ng makita niyang gising na ako.







"Akala ko di ka pa magigising loves. Tara na kain na tayo, nagluto ako ng breakfast."nakangiting sambit niya habang iniaabot saakin ang bathrobe sa may gilid niya




"Hindi ako gutom, ikaw na lang muna kumain."sambit ko matapos kuhain yung inaabot niyang bathrobe saakin







Pagtapos noon ay mabilis kong sinuot ang bathrobe. Nang tuluyan ko ng maisuot yon ay agad na akong bumangon tsaka dali daling nagtungo sa banyo ng hindi pa din siya tinatapunan ng tingin.






Hindi ko alam kung tama bang pakitunguhan ko siya ng ganito o hindi. Pero hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko...




Hays, ewan mabuti sigurong ganto na muna. Lilipas din naman to kaya hahayaan ko na lang muna.




Nang tuluyan na akong makapasok sa banyo ay agad ko ng binuksan ang shower tsaka nag-umpisang maligo.







࿔ ࿔ ࿔





Pagkalabas ko sa banyo ay laking gulat ko ng maramdaman na may yumakap saakin pero hinayaan ko lang yon.





"Loves galit ka ba sakin?"malambing na tanong ni Hajime




"Bakit naman ako magagalit, may nagawa ka ba?"mahinang tanong ko





"Huwag ka ng magalit loves, sorry na. Kahit hindi ko naman sabihin sayong mahal kita ramdam mo naman yon eh."sambit niya










Pagtapos noon ay kinanta niya yung chorus ng more than words na ikinatawa ko na lang. Hayop na Hajime to, alam na alam talaga niya kung paano ako lambingin eh.






"Tama na nga yan, oo na sige na hindi na ako magagalit. Bati na tayo."natatawang sambit ko tsaka humarap sakanya






"Sabi ko na hindi mo talaga ako matitiis loves eh. Tara na kumain ka na muna, pagtapos natin kumain magsha-shower nako para makaalis na tayo. Daan na lang muna tayo sa apartment mo para makapagbihis ka ng pampasok."malambing na sambit niya






Tumango na lang ako. Pagtapos noon ay dumeretso na kami sa may lamesa. Pagkarating doon ay nilagyan niya na ako ng makakain sa plato ko. Aba, ang sweet ng mokong ah.




Iba talaga pag bumabawi sa kasalanan.








"Siya nga pala loves balak kong mag-celebrate ng pasko at bagong taon sa bulacan kasama sila tita lola. Pero syempre gusto ko ring kasama ka...sasama ka ba sakin? Nangako rin kasi ako kay tita lola na isasama kita pagbalik ko doon eh."sambit niya






"Syempre pero pasko lang ang ise-celebrate ko doon. Sa new year uuwi muna ako saamin sa Teresa, matagal tagal na rin kasi akong di nakakauwi eh. Siguradong miss na ako nila mama at papa."sambit ko tsaka bahagyang ngumiti






"Sige ikaw ang bahala. Pero baka hindi kita masamahan pauwi sainyo dahil sa bulacan pa rin ako magne-new year."sambit niya







Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now