Chapter 46

14 1 0
                                    

CHAPTER 46




Vengeance








Habang nagda-drive ako ay minabuti kong buksan yong radyo sa cellphone ko.




Maganda kasing makinig sa radyo ng ganitong oras eh. Pero bigla akong napahinto dahil doon sa sinasabi ng isang DJ.








"Oo nga grabe naman itong taong ito. Kaya hinihingi daw po ang AFP ang kooperasyon natin,  ipagbigay alam niyo daw po sa mga awtoridad kung sakaling makita niyo kahit saan man itong si Phanton Alcasarin."sambit nung isa







"Yes mga ka-radio at syempre po mag-iingat rin po kayong lahat. Ayon po ang mga nagbabagang balita sa oras na ito."sambit noong DJ







Pagtapos noon ay patalastas na lang sa radyo ang narinig ko.







Pero bigla naman akong nabahala dahil doon. Nakatakas si Phanton...may posibilidad na puntahan niya si Hajime at balikan yon dahil after all ay si Hajime ang nanguna sa operasyon ng paghuli sakanya.







Kapag nangyari yon ay mapapahamak din ang anak ko at may posibilidad na magaya siya sa inaanak kong si Tiorr.







Hindi...hindi ako makakapayag na mangyari yon.







Dahil doon ay mas lalo ko pang pinaharurot ang sasakyan ko makarating lang ako ng mas maaga sa bahay ng tita ni Hajime.







Hindi naman ako nag-aalala kung mali nga ang hinala ko at sa apartment ko siya unang magpunta.





After all ay malaki rin ang atraso ko sakanya eh. Pero kahit naman kasi magpunta siya sa apartment ko ay kaya naman nila Tamiera ang sarili nila.







I mean kaya nila ipagtanggol yung sarili nila. Eh kila Hajime kasi si Hajime lang ang may kapasidad humawak ng baril at syempre nandon ang anak ko kaya doon na muna ako dederetso.








Gusto kong makasiguro na ligtas sila.








Makalipas ang isang oras ay nakarating na nga ako dito sa tapat ng bahay nila Hajime. Pero wala namang kakaiba. Patay lahat ng ilaw at mukhang mahimbing pa ang tulog ng mga tao sa loob.







Nang akyatin ko ang isang terrace kung saan alam kong terrace ng kwarto ni Hajime au natanaw ko sa gilid nong awang sa kurtina ang mag-ama kong mahimbing na natutulog.








Katabi ni Hajime ang anak ko habang nasa may gilid nila si Zaia. Nakatalikod nga si Hajime sakanya eh.







Dahil doon ay napangiti ako. Mukhang tinutupad talaga ni Hajime saakin ang pangako niyang di niya pababayaan ang anak ko.






Nagpatuloy lang ako sa pagmasid sakanila hanggang sa laking gulat ko ng biglang magising ay maggagalaw yung anak ko. Dahil doon ay dali dali akong bumaba sa terrace at bumalik sa kotse ko.







Mahirap na baka mahuli pa ako. Sapat na saaking makita na maayos ang kalagayan nila.






Nang sandaling makabalik naman ako sa kotse ko ay naalala ko sila Tamiera. Tama, wala dito si Phanton ang ibig sabihin ay doon siya pumunta. Kailangan ko sila abisuhan.






Dahil doon ay agad kong tinawagan si Tamiera. Ilang ring lang ay sinagot niya rin agad.







"Agapita asan ka?"nag-aalalang tanong niya mula sa kabilang linya





Croaker In Charge (DWS#2)Место, где живут истории. Откройте их для себя