Chapter 40

13 1 0
                                    

CHAPTER 40




Together








Isang buwan na rin makalipas ang pangyayaring yon. At gaya ng napag-usapan namin ni Zaia, ngayon ay nagsasama na kami ni Hajime.



Ayokong tumira sa apartment niya kaya nag-decide siyang lumipat dito hahaha.








"Loves bangon na diyan nakahanda na yong agahan."malambing na sambit ni Hajime





Pagtapos noon ay marahan niya akong hinalikan sa leeg na siyang naging dahilan para mapangiti ako.







"Gusto ko pang matulog."natatawang sambit ko




"Sige kung ganon wag na muna tayong pumasok ngayong araw."sambit niya






Dahil doon ay bigla kong minulat ang mga mata ko tsaka gulat siyang tinignan.








"Aabsent tayo?"tanong ko




"Oo."sambit niya








Pagtapos noon ay bahagya niya akong pinausog ng sa gayon ay makahiga siya sa tabi ko. Gusto ko sanang tutulan ang gusto niyang gawin pero naisip ko na gusto ko ring makasama siya ngayon ng buong araw.






Kaya imbis na tumutol pa ako ay niyakap ko na lang siya ng sandaling makahiga siya sa tabi ko.








"Hmm ngayon ka lang ata pumayag na umabsent tayo loves ah."sambit niya habang pinaglalaruan yung ilong ko





"Bakit ba, gusto kitang makasama buong maghapon eh. Gusto kitang masolo, kapag nasa kampo ka kasi ang dami kong kaagaw sayo."nakangusong sambit ko





"Kaagaw?"natatawang tanong niya





"Oo...yung buong team mo. Yung mga raid mo, yung mga assignment mo at pati na rin yung mga papers sa table mo."nakangusong sambit ko






Dahil doon ay mas lalo siyang natawa.








"Nakapaselosa mo naman loves, pati pa naman yong mga yon pinagseselosan mo. Huwag ka ng magselos. Ikaw lang naman ang nag-iisang babae na maganda sa paningin ko at ang pinakamamahal ko."sambit niya






Dahil doon ay mas lalong lumapad ang mga ngiti ko.







"Nambola ka pa."sambit ko tsaka bahagyang kinurot ang pisngi niya







"Hindi kaya, maganda ka naman talaga eh. Kapag nagka-anak tayo siguradong magiging gwapo o maganda yon kasi maganda ka naman at gwapo din ako."mayabang na sambit niya






Dahil doon ay bigla akong natigilan. Ayoko pa kasing isipin ang tungkol sa magiging anak namin dahil sa alam kong kapag nabuntis na ako ay bilang na lang ang mga araw na ilalagi ni Hajime sa tabi ko.






Ayaw ko pang mangyari yon, kaya ayoko pa ring mabuntis.







"Loves tulala ka na diyan."sambit ni Hajime





"Ah wala, iniimagine ko lang kung anong magiging itsura ng baby natin."nakangiting sambit ko






"Ano bang gusto mong maging anak? Ako gusto ko lalaki."nakangiting sambit niya






Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon