Chapter 43

16 0 0
                                    

CHAPTER 43




You're still my man.










Limang buwan na ang nakalipas matapos noong nalaman namin na buntis ako.




Ngayon ay seven months na ang pagbubuntis ko at dalawang buwan na lang ay manganganak na ako.






Dalawang buwan na lang rin ang natitirang panahon saamin ni Hajime...nakakalungkot isipin pero eto yung katotohanan.







Ngayon ay narito ako sa apartment ko, nanonood ng TV. Naka-leave na kasi ako sa trabaho ko. Magmula noong mag-five months tong pagbubuntis ko ay nagleave na ako dahil lumalaki na ang tiyan ko.






Ayokong machismis ako doon kaya ayokong malaman nila na nagbuntis ako.







Syempre hindi maiiwasan sakanilang mapaisip at pagchismisan ako kung sakali diba kasi nakakalokang isipin na nabuntis ako ng walang jowa at asawa.







Bigla naman akong natigilan sa panonood ng TV ng biglang may kumatok sa pinto. Sino kaya yan? Baka sila Thattiana nanaman.







Simula kasi noong malaman nilang buntis ako ay madalas na magpunta dito ang mga kaibigan ko.



Full support sila sakin hahaha. Pero pwede ring si Hajime yon, ay shunga ko may susi nga pala yon kaya bakit pa kakatok yon.








Umalis kasi kanina si Hajime pagkahatid niya saakin dito para bilhan ako ng pagkain. Kaninang umaga kasi ay nagpunta kami sa OB para sa monthly check up ko at doon nalaman namin na baby boy pala tong dinadala ko.






Tuwang tuwa nga si Hajime eh.






Dahil doon ay naglakad na ako patungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok na yon. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong nanghina sa tumambad saakin.







Si Zaia...nandito siya.









"Hi, pwede ba akong pumasok?"tanong niya







Dahil doon ay marahan na lang akong tumango. Nang makita niya ang pagtango kong yon ay agad siyang pumasok sa loob.






Nakakatawang isipin pero para akong sinisingil ngayon ng pinagkakautangan kong pilit kong tinataguan.








"Masaya ako dahil nakikita kong napakasaya ni Haji dahil sa wakas ay magkakaroon ng siya ng anak."sambit niya ng makaupo siya





"Oo masayang masaya nga siya na magiging tatay na siya."sambit ko matapos maisara ang pinto







Pagtapos noon ay umupo na ako sa kaharap ng sofa na inuupuan niya.








"Frankly I came here to remind you Aga...two months na lang ay maide-deliver mo na yang baby. So that means nalalapit na ding matapos lahat..."mahinang sambit niya






"Naiintindihan ko...hindi ako nakakalimot sa kasunduan natin."sambit ko tsaka bahagyang ngumiti





"I just want to make sure Doc. Once kasi na mabawi ko na si Haji at mapunta na sakin ang pangangalaga ng baby niyo ay hindi mo na sila muling makakasama. Most specially sa bata."sambit niya







Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now