CHAPTER 12
Kiss
Nandito ako ngayon sa may SM Sangandaan. Sinabihan ko kasi si Hajime na dito na lang ako sunduin. Nasaan na kaya ang mokong na yon mahigit sampung minuto na ako dito.
Baka naman chinacharot lang ako non.
Nang akmang tatawagan ko na siyang muli ay laking gulat ko ng biglang may bumusina sa gilid ko.
Pagtapos noon ay biglang bumaba ang bintana kaya nakumpirma kong si Hajime nga yon.
"Get in."sambit niya
Dahil doon ay agad na rin akong sumakay loob. Nang tuluyan na akong makapasok ay inayos ko ang seatbelt ko. Pagka-ayos ko noon ay tuluyan niya ng pinaandar sasakyan.
Habang ako naman ay nilagay ko sa upuan sa likod ang bag na dala dala ko. May laman yong dalawang pares ng damit. At syempre di mawawala ang panty at bra.
May nilagay din ako doong deo, toothbrush, pantyliner, wipes at kung anek anek pa.
"Nag-dinner ka na ba? Baka tulog na yon si tita lola pagdating natin. Hindi ako nagsabi na uuwi ako gusto ko siya i-surprise."simpleng sambit niya
"Oo kumain na ako. Matutulog muna ako ha gisingin mo na lang ako."sambit ko tsaka tuluyan ng ipinikit ang mga mata ko
Napagod ako ng bongga ngayong araw ah.
࿔ ࿔ ࿔
Bahagya akong napamulat ng maramdaman kong may yumogyog sa mga braso ko.
Nang tuluyan ko ng imulat ang mga mata ko ay nakita ko si Hajime na kinukuha ang bag ko sa likuran. Nang tuluyan niya ng makuha yon ay lumabas na siya.
Alangan namang magpa-iwan na ako dito diba, kaya sumunod na ako. Pero nagtaka naman ako bigla ng mapansing nasa labas pa kami ng gate nila.
Sa labas naka-park yung kotse ni Hajime eh. Saradong sarado sa loob ng bahay.
"Mukhang walang tao."sambit ko habang nagbubukas si Hajime ng gate
"Bubuksan ko yong gate i-park mo yung kotse."sambit niya iniabot saakin ang susi
Dahil doon ay pumasok na ako sa kotse niya at gaya ng sinabi niya ay pinark ko na ang kotse nang tuluyan niya ng mabuksan ang gate. Pagtapos noon ay bumaba na rin ako.
Ang dilim huhu parang may mumu. Nang masarado na ni Hajime ang gate ay muli kong iniabot sakanya ang susi at doon nagsimula na siyang buksan ang bahay.
Nang mabuksan niya yon ay tama nga ang hinala ko. Wala ngang tao sa loob, nasaan kaya ang tita niya?
"Saan naman magpupunta ang tita mo ngayong dis oras ng gabi?"nagtatakang tanong ko habang nauna na papasok
Pagkapasok ko ay binuksan ko agad ang ilaw sa sala nakakatacute eh.
"Baka nandon si tita lola sa San Miguel doon kasi nakatira sila tito lolo, yung pinsan nila ni lolo Tamie."sambit niya habang sinasarado ang pinto
![](https://img.wattpad.com/cover/228580382-288-k577418.jpg)
YOU ARE READING
Croaker In Charge (DWS#2)
ActionCaptain Agapita Benitez A.K.A Dra. Bleu. Nagtatrabaho siya bilang Medical Corps kung saan ang specialization niya ay Psychiatric. Naging mapayapa ang ilang taong serbisyo niya. Pero ang kapayapaan na yon ay natuldukan ng mahulog siya sa taong hindi...