Chapter 1

72 3 0
                                    

CHAPTER 1



Bleu






"Agapita pinapasabi ni Sayson may patient ka daw darating mamayang eleven."sambit ni Stef ng makasalubong ko siya






Ngayon ay papasok na sana ako sa clinic ko ng biglang mapadaan si Stef. Ang gandang bati sa umaga ha.







"Good morning ma'am ha."sarcastic na sabi ko






"May paganyang echos ka pa sige na nagmamadali ako, pinapatawag ako ni Dr. Guerrero. Tsaka marami pa akong trabaho sa pedia."sambit niya saka dali daling umalis






Nako pasalamat siya kaibigan ko siya no! Isa siyang pediatric nurse at gaya ko nasa militar din siya.





Parehas kaming nakadestino sa Camp Aguinaldo Station Hospital.





High school friend ko si Stefhany, hindi ko nga akalain na magkikita kami ulit dito sa hospital.






Pagtapos noon ay tuluyan na akong pumasok sa clinic ko.







Maghahanda na ako para doon sa patient ko. Kung di ako nagkakamali si Mr. Calado ang darating ngayon. Pangatlong session na rin to ng therapy niya.







࿔ ࿔ ࿔







Pagtapos ko ay napagdesisyunan kong lumabas muna. Bubulabugin ko lang si Stef, akala niya ha.





May isang oras pa naman bago mag-alas onse kaya wala pa naman akong gagawin.







Nang makalabas ako ay agad kong hinanap si Stef ang kaso lang ay wala siya. Ano kayang pinagawa sakanya ni Dr. Guerrero.








"Doc may hinahanap po ba kayo?"tanong ni Sayson isa rin siyang nurse




"Si Martinez nakita mo ba?"tanong ko






"Ah si Stef po nandoon po siya sa pediatrics, may mga bata po kasing dinala dito sila Major Aguillon. Ang sabi po ay biktima daw ang mga batang yon ng child trafficking."







Napakunot naman ang noo ko dahil doon, mga walang kaluluwa ang mga taong yon. Pati ba naman bata, kawawang mga bata.






Hindi ako mahilig sa bata pero hindi naman magandang mangyari sakanila ang mga bagay na yon.






Maari silang ma-traumatized dahil sa murang edad kalunos lunos na ang sinapit nila.






Tapos pag na-traumatized sila may possibility na dalhin nila yon hanggang sa paglaki nila at boom! Sila naman ang gagawa ng mga kahindik hindik na bagay na ginawa sakanila.







So ayon, lumayo nanaman ang usapan. Ang oa ko nanaman, kung saan saan nanaman ako nakakarating hehe.








"Ganon ba? Ilang bata naman ang dinala dito?"tanong ko bago pa mapadpad sa kung saan ang tumatakbo sa isipan ko




"Nasa tatlong pu po ma'am. Ang alam ko po sampu doon ay puro menor de edad na kababaihan na ginagamit sa prostitusyon."sambit niya pa






Mga hayop talaga ang mga taong yon. Kawawa naman ang mga kababaihang yon...hindi nila deserve makaranas ng ganito sa mura nilang edad tsk.








Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now