Chapter 30

21 1 0
                                    

CHAPTER 30






Zaia









Matapos kong mabalot ang mga regalo ko para sakanila ay ibinaba ko din agad yon para ilagay na sa ilalim ng Christmas tree. Matapos ilagay yon ay agad na akong nagtungo sa kusina.








Pagkarating ko roon ay nakita kong abala sila bff na abalang abala sa pag-aayos.









"Bff pinagod ka ata masyado ni Hajime."natatawang sambit ni Tamiera





Dahil doon biglang nag-init ang mga pisngi ko. Gagang Tamiera to.








"Tita kinakantyawan mo nanaman yang loves ko."nakangusong sambit ni Hajime







Matapos noon ay naglakad papalapit saakin si Hajime para yakapin ako mula sa likuran na ikinangiti tita.









"Naalala ko tuloy ang mga magulang ni Haji. Ganyang ganyan din sila Tamielly at ang papa niya noon. Ang pamangkin kong si Tamielly ay napakahinhin habang ang papa naman ni Hajime ay puno ng kapilyuhan."nakangiting sambit ni tita







"Tama si tita napakahinhin talaga nong si ate, habang ako naman ang kabaliktaran niya."natatawang sambit ni Tamiera habang naghihiwa ng kesa de bola







"Eh paano naman po yung mama at papa ni Tamiera tita?"tanong ko






"Sila Tamie? Nako hindi sila ganyan kasweet sa isa't isa ni Laurice dahil parating nasa trabaho noon si Tamie. Habang si Laurice ay nasa bahay lamang, inaalagaan si Tamielly at Mira."nakangiting sambit ni tita







Pagtapos noon ay tumango na lang ako.








"Ayan tapos na din! Mag-aantay na lang tayong sumapit ang pasko."sambit ni Tamiera ng matapos niya maghiwa





"Oo nga tayo na muna roon sa sala."sambit ni tita








Matapos noon ay sumunod na lang kami. Pero pagkarating namin ay humiwalay ako kay Hajime para lang hawakan ang kaliwang braso ni Tamiera na siyang ikinagulat niya.








"Pwede ko po bang mahiram si bff? Magchichikahan lang kami."nakangiting sambit ko






Gusto ko kasing itanong sakanya ang tungkol kay Zaia kasi ewan ko ba, hindi aki mapakali na ewan.








"Pwede naman siguro ako sumama-"hindi ko na hinayaang matapos ni Hajime ang sasabihin niya






"Hindi pwede, para lang sa babae to loves. Dito ka na lang muna samahan mo si tita manood ng TV. Diba tita?"pangongontsaba ko kay tita






"Oo nga naman Haji. Hayaan mo na muna sila matagal na silang di nakakapag-usap."sambit ni tita










Dahil doon ay agad kong hinila si Tamiera papunta sa may pool. Pagdating namin doon ay sinugurado kong hindi kami nasundan ni Hajime bago tuluyang harapin si bff.









"Bakit mo ba ako dinala dito? Ganyan mo na ba ako ka-miss bff ha."mapanuyang sambit ni Tamiera








Pagtapos noon ay umupo siya sa gilid ng pool habang nakalublob ang mga paa sa tubig. Ganon rin ang ginawa ko.








Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon