Chapter 14

18 2 0
                                    

CHAPTER 14




Jealous fan








Ngayon ay halos kakarating lang namin sa tapat ng apartment ko. Umalis kami sa bulacan ng alas syete ng at alas nwebe na rin ng makarating kami dito.








"Una na ako, thanks sa paghatid loves."nang-aasar na sambit ko






Pagtapos noon ay bumaba na ako pero laking gulat ko ng bumaba rin siya. Aba ano naman kayang planong gawin ng mokong na to?








"Hindi ka pa ba uuwi?"tanong ko habang nilalabas sa bag ko ang susi





"Hindi. Dali buksan mo na."kalmadong sambit niya









Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil doon. Gayunpaman ay binuksan ko na ang pinto. Napanganga na lang ako ng mauna pa siyang pumasok sa loob.







Nang makapasok sa loob ay binuksan ko na ang mga ilaw. Matapos mabuksan ang mga ito ay akmang itatago ko na yung mga susi ko ng bigla niyang higitin yon sa kamay ko.







"Hoy ano ba, akin na nga yan."sambit ko habang pinipilit na agawin sakanya ang mga susi pero inilayo niya lang yon






"Bayad mo to saakin sa pagsama ko sayo sa bulacan."nakangising sabi niya saka kinuha yong duplicate ng susi ng apartment ko







Anak ng?!






"Hoy nababaliw ka na ba. Akin na nga yan, plano mo bang magnakaw dito ha bakit kailangan mo pa kuhanin yan!"inis na sambit ko



"Pwede. Ano bang pwede manakaw dito?"sambit niya saka iniabot saakin ang mga susi ko





"Letche ka, umuwi ka na nga!"sambit ko tsaka siya pinilit itulak palabas






Pero nagmatigas siya.






"Dito ako matutulog ngayon, tinatamad na akong umuwi gabi na."sambit niya saka naunang maglakad papunta sa higaan ko




"Nababaliw ka na ba? Isa lang ang kama ko dito. Tsaka bakit dito ka matutulog ha, diba may pasok bukas? Hindi ka ba papasok? Argh! Umuwi ka na nga lang."frustrated na sambit ko






Pero parang wala lang siyang narinig.





Nag-umpisa lang siyang maghubad ng sapatos maging ang pants niya ay hinubad niya rin kaya ang tanging natira lang ay ang boxer at t-shirt niya.






"Hoy!"sigaw ko





"Sumisigaw ka nanaman, makakabulahaw ka sa kapitbahay. Bakit ba nagagalit ka diyan. Hindi naman to ang first time na magtatabi tayo ah, nagtabi tayo kagabi diba. Tsaka dala ko yung uniform ko diyan sa kotse kaya wag kang mag-alala sabay na tayong papasok bukas loves."nakangiting sambit niya saka tuluyang humiga






Dahil doon ay problemadong pinatay ko na lang ang ilaw tsaka naghubad ng sapatos. Mukhang hindi ko talaga siya mapapaalis wew.






࿔ ࿔ ࿔








Kinaumagahan ng magising ako ay laking gulat ko ng matagpuan ang sarili kong nakayakap kay Hajime. Shit ano to?!






Croaker In Charge (DWS#2)Where stories live. Discover now