Nang makalabas ako sa kwarto niya ay pumunta ulit ako sa kusina para basahin pa ang isang sulat niya. Nakakatawang isipin na sinunod ko din pala ang iniutos niya.

“As much as I want to be the first thing you see when you wake up, I couldn’t. I have an early meeting with my co-investors. Sorry, honey, but this is for our future. Feel free to use OUR unit, love. ;)”
–Will

Something inside me was melted as I read the last letter. Love? Tss. Naiinis ako! Hindi kay Will kundi sa sarili ko. Bakit ba ang dali kong nagtiwala sa kanya? Ang bilis kong ibinigay sa kanya ang sarili ko. Bakit sa simpleng ginawa niyang ito—the freaking sticky notes, breakfast and the instructions for preparing my coffee, I find it real thoughtful and sweet. Parang biglang nawala ang pagkainis ko.

Iniling ko ang ulo ko. No. Hindi maaari. He broke my trust and that was enough reason to be mad at him, still, despite of this sweet nothings. Yes, sweet. Tanginang Willard Almante! Ilang babae na ba ang hinandaan niya ng breakfast? Ilang babae na ba ang sinulatan niya ng may kasamang smiley face at kindat pa? Inis na inis ako.

Nag-martsa ako paalis sa kusina. Hindi ko siya hihintaying makabalik dito. Hindi ko pa pala siya kayang makita. Kahit kailan ay ayaw ko na siyang makita.

Nakapansin na naman ako ng sticky note na nakadikit sa main door. Kinuha ko iyon.

“You chose to go home than to stay in OUR unit, babe. That wounded me, :(“

I clenched my teeth and sucked for air. I want to explode in anger because I can’t find the rage inside me anymore! Hindi na agad ako galit sa kanya dahil sa sad face sa sulat. What the fuck is happening to me? My heart was beating fast to think that he’s not even here.

I shook my head. What I’m feeling is not good. Kailangan ko na talagag umuwi.

I sighed in relief when I found out that the main door was not locked. Inaasahan niya talaga na hindi ako mananatili dito sa unit niya at nagpapasalamat ako dahil wala siyang balak na ikulong ako dito. Dapat lang.

“Ma’am!”

Napatalon ako sa gulat nang agad kong makita sa pag-labas ko ang lalaking matangkad at malaki ang katawan. Nakasuot siya ng puting polo at itim na slacks. I think he’s in his mid-thirties.

“Bakit po?” Tanong ko sa kanya.

“Ihahatid ko na po ba kayo pauwi sa inyo?” Balik-tanong niya sa akin.

“Tauhan ka ba ni Willard Shitty Almante?” I asked the obvious.

“Yes, ma’am. Raf po,” He offered his hand for a handshake which I just stared at. Never in my life I will trust Willard Shitty again, kahit mga alagad niya ay hindi ko na pagkakatiwalaan.

“Wala akong pakialam kung sino ka man.” Malamig kong tugon at naglakad na paalis sa harap niya.

Napatigil ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Seryoso pa din ang mukha niya. Ganito ba talaga kapag tauhan ng mga mayayaman? Hindi marunong ngumiti.

“Utos po ni Sir na ihatid kayo sa tinitirhan niyo,” Madiin niyang bigkas.

Inirapan ko siya. “Wala akong pakialam sa Sir mo. Tangina niya. Sabihin mo ‘yan sa kanya,” Tumalikod na ako at mabilis na naglakad papuntang elevator. Lumalabas ang masasamang salita sa bibig ko dahil sa inis kay Will. Shit siya!

Ikinuyom ko ang mga kamao ko nang marinig ko ang tunog ng sapatos ni Raf sa likod ko. “Bakit ka ba sumusunod?!” Irita kong sigaw na din sa kanya at hinarap siya.

Itinikom niya ang kanyang bibig na parang napahiya sa sarili. May kinuha siya sa kanyang bulsa at iniabot niya iyon sa akin. “Inaasahan na po ni Sir na hindi kayo papayag na ihatid ko kayo pauwi sa inyo, pinabibigay niya po. Kahit ito na lang daw po ang tanggapin niyo,”

Hinablot ko ang sobreng ibinigay niya sa akin. Binuksan ko iyon at nakaramdam na naman ako ng inis nang makita ang makapal na pera doon. Tig-iisang libo ang mga ito. Hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang nito pero nakakasiguro ako na nasa trenta mil na ito. Namilog ang ulo ko at galit na ibinigay iyon pabalik kay Raf.

Nag-init na naman ang sulok ng mga mata ko. “Sabihin mo diyan sa amo mo, sa kanya na ‘yang pera niya. Sa kanya na din ang viriginity ko! Ang kapal ng mukha niya!” I harshly wiped my tears. Hindi ko kaya ang lalaking iyon. I feel degraded. I feel whore.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Raf nang makita akong umiiyak. “Pero, ma’am, wala po kayong pera pauwi.”

“Pautang ng P100 mo, babayaran ko kapag nagkita ulit tayo. Pam-pamasahe ko lang,” Pakapalan na kung pakapalan ng mukha pero desperado na akong umuwi. Hindi ko tatanggapin ang pera niyang iyon. Kapag tinanggap ko iyon, pakiramdam ko ay nagpabayad ako para sa isang gabing kaligayahan ni Will.

“Pero kasi, ma’am—“ Napatigil siya sa pagsalita nang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon nang nakatingin sa akin. “Ayaw po niya, Sir, e.” Iyan ang una niyang sinabi pero batid kong si Will na iyong kausap niya. Hindi na din ako nagulat nang iabot niya sa akin ang cellphone niyang Iphone pa. “Kausapin daw po kayo ni Sir, ma’am.”

Pa-hablot kong kinuha iyon. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para murahin siya nang nauna siyang nagsalita.

“You fucking listen to me, Athena Grace, or I’ll fire that man standing in front of you!” He threatened. Napatingin ako kay Raf na nag-iwas ng tingin, parang alam na ang sinabi ni Willard Shitty. “ Naiintindihan mo, Athena Grace? Aalisin ko sa trabaho si Raf kapag hindi ka nakinig sa akin, ngayon din.”

“You fucking control fre—“

“Ma’am, may anak po akong may sakit ngayon. Kung sesesantihin po ako ni Sir ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang pampagamot sa anak ko,” Sabi ni Raf at nagyuko ng ulo.

Kinagat ko ang labi ko at pumikit. I suddenly felt pity towards him. And I felt rage towards this shitty being on the other line.

“Call me names, baby, it won’t hurt me. But you, leaving that gaddamn unit of ours wounded me.” I heard him gasped on the other line.

“Sa ‘yo lang ang unit na ‘yon, Shitty ka! Tangna mo!” Sigaw kong muli na gusto ko ng bawiin dahil tinignan ulit ako ni Raf. Naaawa na ako dahil mukha na siyang maiiyak. I scowled at Will on the other line. “Go, Will! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. I am so close—“

“Get the money and let Raf drive you home. Or else, you know what will happen.” His voice is icy. “One more thing about me, Athena Grace, just so you know, I don’t care about the people working for me. I only care for your safety now. But that doesn’t change the fact that I’m still wounded that you fucking choose to go home than to stay with me.”

The line went off. What is it with his lonesome voice? Kung makapagsalita siya parang ako pa ang may ginawang masama.

His Broken-hearted GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt