F.E.A.R 23: TRANSACTiON FAiLED

2.5K 55 2
                                    

Dedicated to you, pretty! :)

Sorry sa mga action scenes hahaha! hinahasa ko pa sarili ko XD

Keep supporting :)




Blue Stewart's POV




" Dude, siguradong maraming chicks mamaya nito! Tiba tiba tayo. "

Masayang bulalas ni Gray habang inaayos ang pagkakatago niya ng mga baril sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.


Medyo kailangang mabusisi at maingat kami dahil beach party ang aming pupuntahan.


" Shut up, Gray! Womanizer. "

That's...Star.


I am really wondering. Why she's not with Andrew? Isa pa ang gagong iyon. Hindi nagpapakita, ilang araw na.


They tried to ask her kung nasaan si Andrew pero tipid siya kung sumagot at halatang umiiwas.


Napadako ang tingin ko sa kanya at nadatnan ko siyang tinutungga ang isang can ng beer. I smiled secretly, hindi pa rin siya nag babago.


Habit na niya ang uminom ng alak sa tuwing may mission kami. She's still the same.


" Blue, hanggang kailan mo balak tumunganga dyan? "

Rinig kong inis na sabi ni Red.


Nagising ako mula sa isang malalim na pag iisip, nang marinig kong nag salita si Red. Nakita kong naka upo na silang lahat at nakapalibot sa isang blueprint.


-------



" Don't let your guards down. Go, gear up. "

Utos ni Red na agad naming sinunod.


6PM ang start ng party, 5PM na. Nasa isang hotel kami hindi kalayuan sa paggaganapan. Habang abala sina Red t Gray sa pag aayos ng kani kanilang mga gamit ay naisipan ong tumungo sa banyo upang magpalit. Simpleng sando at beach shorts lang.


" Damn/Shit! "

Halos sabay na hiyaw namin ni Star.


Psh! Hindi ba siya marunogn mag lock ng pinto?! Paano kung ibang tao ang nagkamali ng pasok?!


Napadako ang tingin ko sa lantad na katawan nito dahil 2 piece swim suit ang kanyang suot.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong nilock ang pinto, hinapit siya papalapit sa akin saka hinalikan ng mariin.


Humalik siya pabalik ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay agad siyang bumitaw at naka tikim ako ng isang malakas na sampal.


" I'm committed with Andrew, Blue. Please,---- No, I'm begging, tigilan mo na ako. "

Wika niya saka mabilis na lumabas.


Naiwan akong tulala at pinagsisihan ang mga ginawa ko. napasabunot na lamang ako. Bakit ko ba kasi siya hinayaang mawala at maagaw ng iba?! Dahil lang sa isang lintik na maling desisyon ko, nag bago lahat.


*knocks*


" Blue, tara na hoy! "

Sigaw ni Red sa labas kaya dali dali akong nag ayos.





F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now