SEASON 2: F.E.A.R 13

1.3K 27 2
                                    

Paris' POV

" Nathan, gumising ka p-please. Nathan! "
Sigaw ko habang paulit ulit na tinatapik ang pisngi ni Nathan na hindi pa rin gumigising.

" Miss, you should just wait for him to be awake. Let him rest. "
Sabi nung nurse saka lumabas.

Pag labas niya ay ang pag pasok ng isang lalaking may katangkaran, fair complexion, naka clean cut at pormal kung manamit. May mapula itong labi, singkit ang mga mata at may katangusan ang ilong.

Siya ang lalaking tumulong sa akin upang madala si Nathan sa ospital. Lumitaw na lang siya sa likuran ko saka sinabing 'Let me help you'.

" Okay na ba siya? "
Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko siyang mag salita. Pilipino rin pala.

" He's fine. Maraming salamat sa tulong. "
Sabi ko saka dumako sa natutulog na si Nathan.

" Uh...pwede ko bang malaman kung anong nangyari? "
Tanong niya ulit.

" We were attacked by the bad guys. "
Wala sa sariling sagot ko.

" Bakit? "
Walang katapusang tanong niya.

" I don't know. But they are after my sister. Don't ask why dahil hindi ko rin alam kung anong nagawa ng kapatid ko at hinahabol siya. "
Sabi ko.

Natahimik siya at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag lapag niya ng isang plastic bag sa table ng ospital.

" Aalis na ako. Bumili na ako ng pagkain para hindi ka na maabala. Sige. "
Paalam niya saka lalabas na sana noong pigilan ko siya.

" Sandali lang. B-baka pwedeng dumito ka muna? Pap-paano kung balikan nila kami? Wala akong kakapitan. Please. Please. "
Pagmamakaawa ko.

Ngumiti siya.

" Don't worry. They are looking after you. You're safe. "
Sabi niya na ikinagulo ko.

Ano daw?

Kahit na nangangamba ang loob ko ay nag tiwala ako sa mga sinabi niya. Lumabas na siya ng tuluyan at naiwan ako.

Oh. I forgot to ask his name.

--------------

Bry Allen Jacobs' POV

F.E.A.R (The Mafia Queen)Where stories live. Discover now